Lotus
Ang lotus[1] o loto[2] ay mga halamang nabubuhay sa tubig na karaniwang may kulay na rosas, dilaw, puti, o bughaw. Bilang mga sagradong bulaklak ng mga budhista ng Indiya, Tsina, at Hapon, sinasagisag nito ang banal na kapangyarihang nakalilikha, puridad, pertilidad, at luklukan ng mga diyos kasama sina Brahma at Buddha. Sa Ehipto, sagisag ito ng kasaganahan, ng araw, at muling-pagkabuhay. Sa mga Homerikong alamat, isa itong bunga ng isang palumpong o puno sa Hilagang Aprika, na nakasasanhi ng pagkahilo at pakiramdam ng pagiging sapat ngunit may katamaran at kasiyahan. Ito ang tanging pagkain ng mga mamamayan ng isang pulo. Tinaguriang mga Lotophagi (Ingles: mga lotus-eater) o mga "kumakain ng bunga ng punong Lotus" ang mga mamamayang ito. Sa Odyssey, nang bisitahin ni Oddysseus at ng kaniyang mga tauhan ang pulo, ayaw nang umalis sa pook ng mga nagsikain ng lotus, kaya't kinailangang pilitin ang mga ito. Muling inilahad ni Alfred Tennyson ang kuwentong ito sa kaniyang tulang The Lotus-Eaters.[1] Sa Griyego, tinatawag itong lôtos. At bukod pa sa kuwentong Odyssey ni Homer, nabanggit pa rin ito sa isang kuwentong Griyego kung saan naging puno ng lotus ang nimpa o diwatang si Lotis. Ang puno ng lotus ang mitohikal na reinkarnasyon ni Lotis.
Nabanggit din ang puno ng lotus o lotos sa Job 40:21-22 ng Tanakh at ng Bibliya, na tumutukoy sa isang behemot[3] o malaking nilalang na kahawig ng hippopotamus (bagaman sinasabing maaaring ito ay ang buwaya, hindi hipopotamo).[4] Ito ang sinasaad ng mga talata: "Sa ilalim ng mga punong lotos ay nahihiga, nakatago sa mga latiang matambo. Kinakanlungan siya ng mga lotos; sa paligid niya ang mga sause (Ingles: willow) ng ilog.[4][5]
Mga lotus
baguhinTumutukoy ang pangalang lotus sa mga sumusunod na halaman:
- Sa mga Nelumbo, ang mga tunay na lotus na nabubuhay sa tubig at may bulaklak:
- Nelumbo nucifera, tinatawag ding bughaw na lotus, lotus ng Indiya, banal na lotus, munggo ng Indiya, o sagradong kiyapo
- Nelumbo lutea, Amerikanong lotus
- Sa mga Nymphaea (o lotus ng Ehipto) na uri ng kiyapo na kahawig at kalimitang ikinalilito sa mga lotus na Nelumbo:
- Nymphaea lotus, ang puting kiyapo ng Ehipto o "tigreng lotus"
- Nymphaea zenkeri, ang "pulang-tigreng" lotus
- Nymphaea alba, puting lotus o puting kiyapo ng Europa
- Nymphaea caerulea, asul na liryo ng Ehipto o sagradong asul na liryo, tinatawag ding asul o sagradong lotus
- Sa Ziziphus lotus, matinik na palumpong na maaaring ang sinasabing "punong lotus" sa mitolohiyang Griyego
- Sa Saussurea laniceps, (snow lotus) o lotus ng niyebe, mala-yerba na matatagpuan sa Himalaya
- Sa "itim na lotus", isang kathang-isip na halaman na may salamangka na ipinakilala sa mga kuwento tungkol kay Conan the Barbarian
Sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 "Lotus". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ English, Leo James (1977). "Lotus at loto". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Behemoth, from the Bible, probably the hippopotamus or any monstrous animal or thing". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ 4.0 4.1 Abriol, Jose C. (2000). "Lotos". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Katumbas sa Ingles: "He lies under the lotus trees, In a covert of reeds and marsh. The lotus trees cover him with their shade; The willows by the brook surround him." (New American Bible)