Louis IX ng Pransiya

(Idinirekta mula sa Louis IX)
Tumuturo rito ang Louis IX, para sa ibang gamit, tingnan ang Louis IX (paglilinaw).

Si Louis IX[1] (25 Abril 1214 – 25 Agosto 1270), karaniwang tinatawag na Saint Louis[1] [ wikang Ingles ] o San Luis, ay isang Hari ng Pransiya mula 1226 hanggang kaniyang kamatayan noong 1270. Siya rin ang Konde ng Artois (bilang Louis II) mula 1226 hanggang 1237. Isinilang sa Poissy, malapit sa Paris, kasapi siya ng Kabahayan ng Capet at anak na lalaki ni Haring Louis VIII at Blanche ng Castile. Siya lamang ang nag-iisang kanonisadong Hari ng Pransiya at dahil dito maraming mga pook na ipinangalan para sa kaniya, natatangi na ang St. Louis, Missouri sa Estados Unidos. Siya ang nagtatag ng Parlement ng Paris (Parlamento ng Paris).

San Luis IX
Hari ng Pransiya (marami pa...)
Si Louis IX (San Luis) ng Pransiya.
Paghahari8 Nobyembre 1226 – 25 Agosto 1270
Koronasyon29 Nobyembre 1226, Reims
Buong pangalanKilala bilang Saint Louis (San Luis)
Mga pamagatKonde ng Artois (1226–37)
PinaglibinganBasilikang Saint Denis
SinundanLouis VIII
KahaliliPhilip III
KonsorteMarguerite ng Provence (1221–95)
SuplingIsabelle, Reyna ng Navarre (1241–71)
Philip III (1245-85)
Jean Tristan, Konde ng Valois (1250–70)
Pierre, Konde ng Perche at Alençon (1251–84)
Blanche, Korononang Prinsesa ng Castille (1253–1323)
Marguerite, Dukesa ng Brabant (1254–71)
Robert, Konde ng Clermont (1256–1317)
Agnes, Dukesa ng Borgonya (1260–1327)
Bahay MaharlikaKabahayan ng Capet
AmaLouis VIII ng Pransiya
InaBlanche ng Castile

Talambuhay

baguhin

Bilang anak ni Haring Louis VIII, siya ang pumalit sa luklukan ng kaharian noong 1226, kapiling ang kaniyang inang si Blanche ng Castile bilang rehiyente noong kaniyang kabataan. Hinigpitan niya ang kapangyarihan o kontrol sa mga sistemang piyudal, pagbubuwis at mga panuntunan sa korte. Ipinatatag niya ang Sainte-Chapelle sa Paris, ginawa mula 1245 hanggang 1248 para idambana ang Korona ng mga Tinik (nasa isang relikwaryo sa Katredal ng Notre-Dame, sa Paris sa kasalukuyan) na nakamit mula kay Emperador Baldwin ng Constantinople. Bilang krusadero sa Ehipto at Syria mula 1248 hanggang 1254, namatay siya dahil sa epidemya ng plaga (plague) sa Tunis, Hilagang Aprika. Dumaan siya sa proseso ng kanonisasyon noong 1297.[1]

Mga anak

baguhin
  1. Blanche (1240 – 29 Abril 1243)
  2. Isabelle (2 Marso 1241 – 28 Enero 1271), napangasawa ni Theobald V ng Champagne
  3. Louis (25 Pebrero 1244 – Enero 1260)
  4. Philippe III (1 Mayo 1245 – 5 Oktubre 1285)
  5. Jean (1248 - 1248)
  6. Jean Tristan (1250 – 3 Agosto 1270), napangasawa ni Yolande ng Borgonya
  7. Pierre (1251–84), Konde ng Perche at Alençon; Konde ng Blois at Chartres sa kanan ng kaniyang asawang si Joanne ng Châtillon
  8. Blanche (1253–1323), napangasawa ni Ferdinand de la Cerda, Infante ng Castille
  9. Marguerite (1254–71), napangasawa ni John I, Duke ng Brabant
  10. Robert, Konde ng Clermont (1256 – 7 Pebrero 1317), ang ninuno ni Haring Henry IV ng Pransiya.
  11. Agnes ng Pransiya (ca. 1260 – 19 Disyembre 1327), napangasawa ni Robert II, Duke ng Borgonya

Mga sanggunian

baguhin

Talababa

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 "Louis IX, Saint Louis". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Bibliyograpiya

baguhin
  • Joinville, Jean de. The History of St. Louis (Sinalin ni Joan Evans).