Lovers in Paris
Ang Lovers in Paris ay isang palabas sa telebisyon sa Timog Korea. Una itong pinalabas noong 2004 at pinagbibidahan ito nina Kim Jung-eun, Park Shin-yang at Lee Dong-gun. Inere ito ng SBS mula Hunyo 12 hanggang Agosto 15, 2004 at naka-dalawangpung kabanata[1] Ang serye ay isa sa tatlong seryeng pantelebisyon sa trilohiyang Lovers ng manunulat na si Kim Eun-sook at direktor na si Shin Woo-chul. Sinundan ito ng Lovers in Prague (2005), at ang ikatlo na simple na pinamagatang bilang Lovers (2006), na hindi sa Europa ang tagpuan, di tulad ng naunang dalawa.
Napakapopular ng serye noong tumakbo ito, nanalo ng Grandeng Premyo ("Daesang") sina Kim Jung-eun at Park Shin-yang sa SBS Drama Awards noong 2004, at sa kalaunan sa Baeksang Arts Awards noong 2005. Nanalo si Kim bilang Pinakamahusay na Aktres sa Telebisyon habang nanalo sina Kim Eun-sook at Kang Eun-jung ng Pinakamahusay na Senaryo sa Telebisyon, at nanalo ang drama ng Grandeng Premyo para sa Telebisyon.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "2004 good for movies, gloomy in performing arts". The Korea Herald via Hancinema (sa wikang Ingles). 29 Disyembre 2004. Nakuha noong 2013-06-15.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)