Luis I ng Unggariya
Si Luis I, na tinawag ding Luis ang Dakila (Hungaro: Nagy Lajos; Kroata: Ludovik Veliki; Eslobako: Ľudovít Veľký ); o Luis ang Unggaro (Polako: Ludwik Węgierski; Marso 5, 1326 – Setyembre 10, 1382), ay Hari ng Unggariya at Croasya mula 1342 at Hari ng Polonya mula 1370. Siya ang unang anak ni Carlos I ng Unggariya at ng kaniyang asawa, si Isabel ng Polonya, na nakaligtas sa pagkabata. Isang kasunduan noong 1338 sa pagitan ng kaniyang ama at Casimiro III ng Polonya, tiyuhin sa ina ni Luis, ang nagpatunay sa karapatan ni Louis na magmana ng Kaharian ng Polonya nang ang kanyang tiyuhin ay namatay na walang anak. Bilang kapalit, obligado si Luis na tulungan ang kaniyang tiyuhin na muling sakupin ang mga lupain na nawala sa Polonya noong mga nakaraang dekada. Hawak niya ang titulong Duke ng Transilbanya sa pagitan ng 1339 at 1342 ngunit hindi pinangasiwaan ang lalawigan.
Luis I ng Unggariya | |
---|---|
Kapanganakan | 5 Marso 1326 (Huliyano)
|
Kamatayan | 10 Setyembre 1382 (Huliyano)
|
Mamamayan | Hungary |
Trabaho | monarko |
Ipinanganak noong 5 Marso 1326,[1] si Luis ay ang ikatlong anak ni Carlos I ng Unggariya at ng kaniyang asawang si Isabel ng Polonya.[2] Siya ay pinangalanan para sa tiyuhin ng kaniyang ama, si Luis, Obispo ng Toulouse, na kinanonisa noong 1317.[3] Ang panganay na anak ng kaniyang mga magulang, si Carlos, ay namatay bago ipinanganak si Luis.[4] Si Louis ay naging tagapagmana ng kanoyang ama pagkatapos ng kamatayan ng kaniyang kapatid na si Ladislao noong 1329.[4]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Csukovits 2012.
- ↑ Kristó 2002, p. 45.
- ↑ Kristó 2002, pp. 45–46.
- ↑ 4.0 4.1 Kristó 2002.