Lumang Lungsod

(Idinirekta mula sa Lumang Lungsod ng Jerusalem)

Ang Lumang Lungsod (Hebreo: הָעִיר הָעַתִּיקָה‎, ha-ir ha-atiqah; Arabe: البلدة القديمة‎, al-Balda al-Qadimah) ay isang lugar na nakapader na may sukat na 0.9 kilometro kuwadrado (0.35 mi kuw)[2] na nasa loob ng makabagong lungsod ng Jerusalem.

Ang Lumang Lungsod ng Jerusalem at ang mga Pader nito[1]
Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO
Itaas na hilera: Tanaw ng Lumang Lungsod mula sa Bundok ng mga Olibo
Gitnang hilera: Pamilihan (souq) sa Lumang Lungsod; Mga kababaihang Hudyo na nagdarasal sa Kanlurang Pader
Ibabang hilera: Simbahan ng Banal na Sepulcro; tanaw ng Bundok ng Templo, Simboryo ng Bato at Moske ng Al-Aqsa
PamantayanPangkalinangan: ii, iii, vi
Sanggunian148
Inscription1981 (ika-5 sesyon)
Nanganganib1982–kasalukuyan

Nadokumento ang kasaysayan ng Lumang Lungsod sa makabuluhang detalye, kapansin-pansin ang mga lumang mapa ng Jerusalem sa nakaraang 1,500 taon. Binubuo ang lugar na ito ng buong lungsod ng Jerusalem hanggang sa huling bahagi ng ika-19 na dantaon; mga katabing nayon tulad ng Silwan, at ang mga bagong kapitbahayan tulad ng Mishkenot Sha'ananim, na naging bahagi sa kalaunan ng mga hangganan ng munisipyo.

Tahanan ang Lumang Lungsod sa ilang mga susing lugar na may relihiyosong kahalagahan: ang Bundok ng Templo at Kanlurang Pader para sa mga Hudyo, ang Simbahan ng Banal na Sepulcro para sa mga Kristiyano at ang Simboryo ng Bato at Moske ng Al-Aqsa para sa mga Muslim. Naidagdag ito sa tala ng Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO noong 1981.

Sa tradisyon, nahahati ang Lumang Lungsod sa apat na di-pantay na kuwadra, bagaman, naipakilala lamang ang kasalukuyang pagtatalaga noong ika-19 na dantaon.[3] Sa makabagong panahon, halos nahahati (paikot na pabalik na papunta mula sa hilagang-silangang sulok) ang Lumang Lungsod sa mga Kuwadrang Muslim, Kristiyano, Armenyo at Hudyo. Nitayo ang mahalagang mga pader na pandepensa at mga tarangkahan ng Lumang Lungsod noong 1535–1542 ng Otomanong sultan na si Suleiman ang Magnipiko.[4]

Populasyon

baguhin

Naninirahan karamihan ang kasalukuyang populasyon ng Lumang Lunsod sa kuwadrang Muslim at Kristiyano. Noong 2007, nasa 36,965 ang kabuuang populasyon; ang detalye ng mga relihiyosong pangkat noong 2006 ay 27,500 Muslim (hanggang mula mga 17,000 noong 1967, hanggang higit sa 30,000 noong 2013, pagkahilig: lumalago); 5,681 Kristiyano (mga 6,000 noong 1967), hindi kabilang ang 790 Armenyo (bumama hanggang sa mga 500 noong 2011, pagkahilig: nababawasan); at 3,089 Hudyo (nagsimulang wala noong 1967, habang sila ay pinalayas pagkatapos mabihag ang Lumang Lungsod ng Jordan kasunod ng Digmaang Arabe–Israeli ng 1948, na may halos higit sa 3,000 at ilang 1,500 mag-aaral na yeshiva noong 2013, pagkahilig: lumalago).[5][6][7]

Katayuang pampolitika

baguhin

Noong panahon ng Digmaang Arabe–Israeli ng 1948, nabihag ang Lumang Lungsod ng Jordan at napalayas lahat ng residenteng Hudyo. Noong Anim na Araw na Digmaan noong 1967, na nakita ang mano-manong labanan sa Bundok ng Templo, nabihag ng mga puwersang Israeli ang Lumang Lungsod kasama ang natitirang bahagi ng Silangang Jerusalem, at sumunod dito ang pagsasanib nito sa teritoryo ng Israel at muling pagsasama nito sa kanlurang bahagi ng lungsod. Nang naglaon, ang pamahalaan ng Israel ang nagkokontrol ng buong lugar, na tinuturing ng pambansang kabisera nito. Bagaman, ang Batas ng Jerusalem, na epektibong sinasanib ang Silangang Jerusalem sa Israel, ay idineklerang walang bisa ng Resolusyon 478 ng Konsehong Seguridad ng mga Nagkakaisang Bansa. Kinikilala ang Silangang Jerusalem ng internatsyunal na pamayanan bilang bahagi ng okupadong teritoryo ng Palestina.[8][9]

Katayuan sa UNESCO

baguhin

Noong 1980, ipinanukala ng Jordan na itala ang Lumang Lungsod bilang Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO.[10] Naidagdag ito sa tala noong 1981.[11] Noong 1982, minungkahi ng Jordan na mapabilang ito sa tala ng Pandaigdigang Pamana na Nanganganib. Sumalungat ang Estados Unidos sa hiling na ito, na sinasabi na walang karapatan gumawa ng ganoong nominasyon ang pamahalaan ng Jordan at kailangan ng pahintulot mula sa pamahalaan ng Israel, yayamang epektibo itong kinokontrol ang Jerusalem.[12] Noong 2011, naglabas ng pahayag ang UNESCO na inulit ang pananaw nito na ang Silangang Jerusalem ay "bahagi ng okupadong teritoryo ng Palestina, at kailangang maresolba ang katayuan ng Jerusalem sa negosyasyon ng permanenteng katayuan."[13]

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Old City of Jerusalem and its Walls". UNESCO (sa wikang Ingles). Nakuha noong 13 Enero 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kollek, Teddy (1977). "Afterword". Sa John Phillips (pat.). A Will to Survive – Israel: the Faces of the Terror 1948-the Faces of Hope Today (sa wikang Ingles). Dial Press/James Wade. about 225 acres{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Ben-Arieh, Yehoshua (1984). Jerusalem in the 19th Century, The Old City (sa wikang Ingles). Yad Izhak Ben Zvi & St. Martin's Press. p. 14. ISBN 0-312-44187-8.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Eliyahu Wager (1988). Illustrated guide to Jerusalem (sa wikang Ingles). Jerusalem: The Jerusalem Publishing House. p. 138.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Jerusalem The Old City: Urban Fabric and Geopolitical Implications" (PDF) (sa wikang Ingles). International Peace and Cooperation Center. 2009. Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2013-09-28.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Bracha Slae (13 Hulyo 2013). "Demography in Jerusalem's Old City". The Jerusalem Post (sa wikang Ingles). Nakuha noong 26 Setyembre 2015.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Beltran, Gray (9 Mayo 2011). "Torn between two worlds and an uncertain future" (sa wikang Ingles). Columbia Journalism School. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Mayo 2014. Nakuha noong 26 Setyembre 2015. {{cite web}}: |archive-date= / |archive-url= timestamp mismatch (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. East Jerusalem: Key Humanitarian Concerns Naka-arkibo 2013-07-21 sa Wayback Machine. United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs occupied Palestinian territory. Disyembre 2012 (sa Ingles)
  9. Benveniśtî, Eyāl (2004). The international law of occupation (sa wikang Ingles). Princeton University Press. pp. 112–13. ISBN 978-0-691-12130-7.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Advisory Body Evaluation (file na PDF, sa Ingles)
  11. "Report of the 1st Extraordinary Session of the World Heritage Committee" (sa wikang Ingles). Whc.unesco.org. Nakuha noong 2013-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. "Justification for inscription on the List of World Heritage in Danger, 1982: Report of the 6th Session of the World Heritage Committee" (sa wikang Ingles). Whc.unesco.org. Nakuha noong 2013-10-14.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  13. "UNESCO replies to allegations" (sa wikang Ingles). UNESCO. 15 Hulyo 2011. The Old City of Jerusalem is inscribed on the World Heritage List and the List of World Heritage in Danger. UNESCO continues to work to ensure respect for the outstanding universal value of the cultural heritage of the Old City of Jerusalem. This position is reflected on UNESCO's official website (www.unesco.org). In line with relevant UN resolutions, East Jerusalem remains part of the occupied Palestinian territory, and the status of Jerusalem must be resolved in permanent status negotiations.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)