Bilbao
Ang Bilbao (Espanyol) o Bilbo (Euskara) ay isang lungsod sa hilagang Espanya. Ito ang pinakamalaking lungsod sa Euskadi at ang kapital ng lalawigan ng Bizkaia. Napaparoon ang itong pangunahing pwertong pandagat at sentrong pang-industrya sa ilog Nervión at may mga suburbyo ito hanggang sa Dagat ng Vizcaya. Ang populasyon ng lungsod ng Bilbao ay 354 000 ayon sa mga tanya noong 2003. Ang populasyon ng lawak urbano ay 935 000 ayon sa mga tantya noong 2000. Ang populasyon ng kalakhan (lawak urbano kasama ng mga bayang nakapaligid) ay 947 000 ayon sa mga tanya noong 2003, humahanay bilang ikaapat na pinakamalaking kalakhan sa Espanya. Nang 2004, si Iñaki Azkuna ang alkalde ng lungsod.
Bilbao Bilbo | ||
---|---|---|
Clockwise from top: Panorama from mount Artxanda, church of San Antón, Bilbao Guggenheim Museum, Fosterito, and Euskalduna Palace | ||
| ||
Palayaw: el botxo | ||
Mga koordinado: 43°15′25″N 2°55′25″W / 43.25694°N 2.92361°W | ||
Bansa | Spain | |
Autonomous community | Basque Country | |
Province | Biscay | |
Comarca | Greater Bilbao | |
Founded | 15 June 1300 | |
Pamahalaan | ||
• Uri | Mayor-Council | |
• Mayor | Iñaki Azkuna (PNV) | |
Lawak | ||
• Municipality | 40.65 km2 (15.70 milya kuwadrado) | |
• Urban | 17.35 km2 (6.70 milya kuwadrado) | |
• Rural | 23.30 km2 (9.00 milya kuwadrado) | |
Taas | 19 m (62 tal) | |
Pinakamataas na pook | 689 m (2,260 tal) | |
Pinakamababang pook | 0 m (0 tal) | |
Populasyon (2010) | ||
• Municipality | 353,187 | |
• Kapal | 8,700/km2 (23,000/milya kuwadrado) | |
• Metro | 875,552 | |
Demonym | Bilbotarra/Bilbaíno/Bilbaína | |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) | |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) | |
Postal code | 48001 - 48015 | |
Dialing code | +34 94 | |
Official language(s) | Basque, Spanish | |
Websayt | Opisyal na website |
Kamakailan lang ay nagdaan ang lungsod sa isang malakihang pagbabagong urbano na nakasentro sa bagong sistemang metro na dinisenyo ni Sir Norman Foster at, higit sa lahat, ang Museong Guggenheim Bilbao na dinisenyo ni Frank Gehry. Ipinakilala ang isang bagong tram noong 2002. Ang Pwerto ng Bilbao, na dating nasa ilog, ay inilipat at ipinalawak pababang-ilog hanggang sa Look ng Bizkaia. Kasama sa iba pang landmarks ay ang Palasyo Euskalduna at ang tulay pantaong Zubi-Zuri. Isang pangunahing torreng landmark, na didisenyuhin ni César Pelli upang isabubong ang pamahalaang lokal ng Bizkaia, ang ipapatayo at may mga mapag-adhikang balak para buhayin muli ang peninsula sa ilog na kilala bilang Zorrozaurre.
Mga Kawing Panlabas
baguhin- Bilboko hiria Udalaren Web Ofiziala, opisyal na portal ng ayuntamyento ng Bilbao
- Metro Bilbao Naka-arkibo 2014-12-02 sa Wayback Machine., opisyal na website ng sistemang metro
- Gabay sa Bilbao mula sa Guíabizkaia Naka-arkibo 2007-09-27 sa Wayback Machine.
- Bilboko Itsadarra Itsas Museoa Naka-arkibo 2019-04-24 sa Wayback Machine., Museong pandagat – Wawa ng Bilbao
- http://www.euskalnet.net/anabego/Index.htm Naka-arkibo 2005-03-07 sa Wayback Machine., dito maaaring basahin ang kasaysayan atbp. ng Bilbao
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.