Lombardia

(Idinirekta mula sa Lungsod ng Brescia)

Ang Lombardia (Ingles: Lombardy) ay isang rehiyon sa bansang Italya.

Lombardy

Lombardia
Watawat ng Lombardy
Watawat
Eskudo de armas ng Lombardy
Eskudo de armas
Map
Mga koordinado: 45°39′N 9°57′E / 45.65°N 9.95°E / 45.65; 9.95
BansaItalya
KabiseraMilan
Pamahalaan
 • PanguloRoberto Formigoni (PdL)
Lawak
 • Kabuuan23,861 km2 (9,213 milya kuwadrado)
Populasyon
 (2018-04-30)
 • Kabuuan10,039,160
 • Kapal420/km2 (1,100/milya kuwadrado)
DemonymLombard
Pagkamamayan
 • Italyano92%
 • Rumanyano1%
 • Morokano1%
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
GDP/ Nominal€ 305.5 billion (2006)
GDP per capita€ 32,127 (2006)
Rehiyon ng NUTSITC
Websaytwww.regione.lombardia.it

Ang kalakhang pook ng Milan ang pinakamalaki sa bansa, at kabilang sa pinakamalaki sa Unyong Europeo.[2] Sa limampu't walong Pandaigdigang Pamanang Pook ng UNESCO sa Italya, labing-isa ang nasa Lombardia.[3]Sina Virgil, Plinio ang Nakatatanda, Ambrosio, Gerolamo Cardano, Caravaggio, Claudio Monteverdi, Antonio Stradivari, Cesare Beccaria, Alessandro Volta, Alessandro Manzoni, at mga papa na sina Juan XXIII at Pablo VI ay kabilang sa mga may pinagmulan sa lugar na kilala ngayon bilang Lombardia.

Etimolohiya

baguhin

Ang salitang Lombardia ay nagmula sa Lombard, na nagmula naman sa Huling Latin na Longobardus, Langobardus ("isang Lombard"), na nagmula sa mga elementong Protohermanikong *langaz + *bardaz ; katumbas ng mahabang balbas. Iminumungkahi ng ilang iskolar na ang pangalawang elemento ay nagmula sa Protohermanikong *bardǭ, *barduz ("palakol"), na nauugnay sa Alemang Barte ("palakol") o na ang buong salita ay nagmula sa Protoalbanes* Lum bardhi "puting ilog" (Ihambing ang modernong Albanes na lum i bardhë ).[4]

Dibisyong administratibo

baguhin

Ang Lombardy ay nahahati sa 12 lalawigan:

 
Lalawigan Lawak (km²) Populasyon Densidad (inh./km²)
Lalawigan ng Bergamo 2,723 1,070,060 392.9
Lalawigan ng Brescia 4,784 1,223,900 255.8
Lalawigan ng Como 1,288 582,736 452.4
Lalawigan ng Cremona 1,772 358,628 202.4
Lalawigan ng Lecco 816 334,059 409.4
Lalawigan ng Lodi 782 222,223 284.2
Lalawigan ng Mantova 2,339 407,983 174.4
Lalawigan ng Milan 1,575 3,121,832 1,982
Lalawigan ng Monza at Brianza 405 840,711 2,075
Lalawigan ng Pavia 2,965 535,948 180.7
Lalawigan ng Sondrio 3,212 181,841 56.6
Lalawigan ng Varese 1,199 868,777 724.6

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Statistiche demografiche ISTAT". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-25. Nakuha noong 2010-09-21.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Eurostat – Functional urban areas Naka-arkibo 16 April 2010 sa Wayback Machine..
  3. List of World Heritage Sites by country.
  4. Partridge, Eric (2009). Origins: an etymological dictionary of modern English (ika-[Paperback ed.] (na) edisyon). London: Routledge. ISBN 978-0415474337.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Padron:Italy topics