Lungsod ng Raccoon

(Idinirekta mula sa Lungsod ng Racoon)


Ang Lungsod ng Raccoon[1] ay isang kathang-isip na lungsod sa sikat na larong pang kompyuter (videogame) na Resident Evil (Naninirahang Kasamaan, kung isasalin). Ginawa itong lokasyon ng Resident Evil 2, Resident Evil 3: Nemesis at maging para sa mga serye ng Outbreak.

Ekonomiya at lokasyon

baguhin

Ayon sa Resident Evil, nasa Estados Unidos ang Raccoon City. Pinakamalaki sa lahat ng kompanyang pang-industriya ang Umbrella (nangangahulugang "payong") sa Raccoon City, kung kaya't lagi itong nakapaggugugol ng salapi para sa mga pagawaing panlungsod. Subalit hindi alam ng mga mamamayan na may mga masama at ilegal na mga gawain ang Umbrella. Umaabot sa 100,000 ang bilang ng kabuoang populasyon ng Raccoon City ayon sa Resident Evil 2. Pinakamalapit na bayan dito ang Stone-Ville.

Kasaysayan

baguhin

Si Michael Warren ang alkalde ng Raccoon City. Nahalal siya bilang alkalde noong 1987 at tuluyang nakaupo sa tanggapan sa loob ng 11 taon. Naging makabago ang lungsod ng Raccoon dahil sa mga proyekto ni Warren. Dahil sa antas ng krimen, naglabas ng mga bagong tauhan ang Kagawaran ng Pulisya ng Raccoon (Raccoon Police Department o R.P.D.), ang tinatawag na S.T.A.R.S. o Special Tatics And Rescue Service noong 1996. Dahil sa pakikipagugnayan at pakikipag-kaibigan ni Warren sa Umbrella, naging parte na ng buhay ng tao ang lahat ng mga pagbabagong ito sa araw araw.

Noong 22 Setyembre 1998 may nangyari sa Raccoon City: gustong kunin ng Umbrella ang G-Virus mula kay William Birkin (isang kasapi ng Umbrella). Naging kakaiba si Birkin sapagkat hindi siya pangkaraniwang tao, isa siyang mutant. Dahil sa pangyayari, nahulog ang isang T-virus na kumalat sa mga sistema ng mga kanal at humawa sa mga daga. Dinala ng mga daga ang birus sa lungsod kung kaya't lubos pang kumalat.

Naging mga taong-patay o zombie ang mga mamamayan. Nang sumapit ang Setyembre 29, halos mga buhay na bangkay na ang lahat ng mga tao sa lungsod ng Raccoon. Mga halimaw na ang mga mamamayan. Mula kinagabihan ng Setyembre 30 hanggang sa pagsikat ng araw noong 1 Oktubre 1998, nagpasya ang pamahalaan ng Estados Unidos na pasabugin ang buong lungsod ng Raccoon sa pamamagitan ng isang missile. Naitalang mas marami pa sa 100,000 (populasyon ng Raccoon City) ang napatay. Subalit meron pa ring natitirang maliliit na T-Virus kaya't napagkasunduan na lamang na ang Umbrella at gobyerno ng Estdos Unidos ang pwedeng pumasok sa lungsod.

Iba pang mga lugar

baguhin

Resident Evil 2

  • Raccoon Police Department - kagawaran ng polisya ng Raccoon
  • Umbrella Subterranean Laboratory - laboratoryong nasa ilalim ng lupa
  • Emmy's Diner - isang kainan
  • Kendo's Gun Shop - isang tindahan ng mga baril

Resident Evil 3: Nemesis

  • Uptown
  • Downtown : Raccoon Press, Cafe 13, City Hall at iba pa
  • St. Michael Clock Tower - isang tore
  • Raccoon City Hospital - isang ospital
  • Raccoon Park - isang liwasan
  • Dead Factory - isang pabrika

Resident Evil Outbreak

  • Umbrella Corporation Office and Research Facility - opisina at pook ng pananaliksik
  • J's Bar - bahay-aliwan
  • Raccoon Mall - pamilihan
  • Apple Inn - otel
  • Raccoon University - pamantasan
  • Raccoon Zoo - liwasang may mga nakakulong na hayop
  • Raccoon Subway - daanan at himpilan ng mga tren

Sa pelikula

baguhin
  • Resident Evil : Genesis (2002)
  • Resident Evil : Apocalypse (2004)
  • Resident Evil : Extinction (2007)
  • Biohazard: Degeneration (2009)

Mga sanggunian

baguhin
  1. Jeremy Parish, "RACCOON CITY," Electronic Gaming Monthly 224 (January 2008), 100.