Luz Banzon Magsaysay
Si Luz Banzon Magsaysay, (isinilang ika-25 Hunyo 1914 - pumanaw ika-17 Agosto 2004) ay asawa ni Pangulong Ramon Magsaysay at ang ikapitong Unang Ginang ng Pilipinas.
Luz Magsaysay | |
---|---|
7th Unang Ginang ng Pilipinas | |
In role December 30, 1953 – March 17, 1957 | |
Pangulo | Ramon Magsaysay |
Nakaraang sinundan | Victoria Quirino-Delgado |
Sinundan ni | Leonila Garcia |
Personal na detalye | |
Isinilang | Luz Rosauro Banzon 25 Hulyo 1914 Balanga, Bataan, Philippine Islands |
Yumao | 17 Agosto 2004 Quezon City, Philippines | (edad 90)
Himlayan | Manila North Cemetery |
Asawa | Ramon Magsaysay (k. 1933–57) |
Anak | Teresita (1934–1979) Milagros (b. 1936) Ramon Jr. (b. 1938) |
Tubong Balanga, ang dalagang si Luz Rosauro Banzon ay tapat sa kanyang pamilya, kamag-anak at kaibigan. Siya at si Ramon ay nagkaroon ng tatlong anak: Teresita (1934–1979), Milagros (b. 1936) at Ramon (b. 1938).
Bilang asawa ng Pangulo, naging aktibo si Luz Magsaysay sa maraming programang sosyo-sibiko lalo na sa Philippine National Red Cross, kung saan siya ay honorary Chairwoman sa loob ng ilang taon. Siya ay naaalala bilang isa sa mga pinaka hinahangaan na First Ladies at nakilala ang kanyang sarili para sa kanyang kagandahang loob at pagiging magiliw.[1]
Nabalo si Magsaysay sa 43 na taong gulang nang mamatay si Pangulong Magsaysay sa isang pagbagsak ng eroplano noong 1957, tatlong taon at dalawang buwan sa kanyang pamumuno, kaya isa ito sa pinakamaikling termino ng pagkapangulo sa kasaysayan ng Pilipinas. Inialay niya ang kanyang sarili sa pangangalaga ng alaala ng kanyang asawa at namuhay ng isang walang karangyaang buhay na tapat sa pamana ng kanyang asawa.[2]
Pagpanaw at pamana
baguhinNamatay siya noong Agosto 17, 2004, sa edad na 90. Bilang paggunita sa kanyang alaala, isang Barangay sa Cebu City, malapit sa Dating Airport sa Lahug ay pinangalanang Barangay Luz noong huling bahagi ng dekada-60 at Barangay Luz Banzon sa Jasaan, Misamis Oriental.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Luz Banzon Magsaysay: Well-loved First Lady". Philstar.com.
- ↑ Flor, Lina (1957). Mrs. Luz B. Magsaysay: Constant Light and The Private Life of the Former First Lady.