MNL48

first Filipino idol girl group

Ang MNL48 ( Maynila 48 / Wikang Ingles: ''Manila 48'' at binabasa din bilang: M.N.L. Forty-eight ) ay isang bandang binubuo ng mga kababaihan na may temang J-pop idol at ang ika-apat na sangay ng grupong AKB48, matapos magkaroon ang Indonesia ng JKT48, ang SNH48 sa Tsina, at ng BNK48 sa Taylandya. Ang pangalan ng grupo ayibinase sa lungsod ng Maynila, ang kabisera ng Pilipinas. Ang MNL48 ay natatanging sangay ng AKB48 na binubuo ng eksaktong 48 na miyembro. MNL48 rin ang kauna-unahang idol group sa Pilipinas.

MNL48
PinagmulanMaynila, Pilipinas
Genre
Taong aktibo2018–present
LabelHallohallo Entertainment Inc.
at ng ABS-CBN
Websitemnl48.hallohallo.com

Kasaysayan

baguhin

Pagkakabuo mula 2016 hanggang 2018

baguhin
 
MNL48 Logo

Noong ika-26 Marso 2016, ng pagkakabuo sa MNL48, BNK48, at TPE48 ay inanunsyo.[1]

Noong ika-13 Oktubre 2017, ang HalloHallo Entertainment ay nag anunusyo ng pag tatala sa mga nais sumali bilang unang henerasyon ng banda. Noong ika-10 Nobyembre 2017, ang HalloHallo Entertainment ay nag sagawa ng kauna-unahang awdisyon para sa unang henerasyon MNL48.[2]

Sa pagpasok ng 2018, ang MNL48 ay naging bahagi ng programang It's Showtime sa pangungunahan nina Anne Curtis, Billy Crawford, at Karylle na malaman kung sino ang binubuo para sa unang henerasyon ng grupo. Ito ay isang bahagi ng paghahanap para sa kauna-unahang Filipino idol group na ang pangalan ay nagmula sa kabisera ng Pilipinas. Nagsasagawa ito ng mga pag-audition sa buong bansa para sa kababaihan na may edad na 15-20 taong gulang. Libu-libong kababaihan ang nag-audition, ngunit 200 lamang ang nakausad para sa simula ng pagsasanay sa pagkanta at pagsayaw sa loob lamang ng labing-tatlong linggo. Mula sa Top 200 aspirants, ay nabawasan na sa Top 75 upang harapin ang pagboto sa publiko hanggang sa Pangkalahatang Halalan sa pamamagitan ng MNL48-Plus App na gawa ng HalloHallo Entertainment Inc. sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN at AKS, ang pinaka-matagumpay na entertainment agencies sa Japan. Mula Top 75, hanggang naging 48 na kababaihan na ang naging opisyal na miyembro ng grupo. Mula Top 48, magkakaroon na ang tinatawag na Ranking System na hango sa Senbatsu Sousenkyo na sistema ng AKB48. Ang Top 33-48 ay hihirangin bilang Next Girls, ang Top 17-32 ay hihirangin bilang Undergirls, at ang Top 16 ay hihirangin bilang Senbatsu. Mula sa Top 16, 7 kababaihan siguradong pasok bilang Kami 7 na kung saan sila ay magiging frontliners ng pag-peperform at kasama sa mga concerts ng AKB48 at iba pang sister groups sa buong mundo, at bibigyan din sila ng mga international endorsements at isang eksklusibong programa sa pagsasanay. At mula sa Kami 7 ang Top 1, ay hihirangin na bilang Center Girl ng Pangkalahatang Halalan at magiging mukha ng MNL48 sa buong mundo.

MNL48 1st-Ever Handshake Event (Meet & Greet)

baguhin

Noong ika- 22 Abril 2018, "Meet Your Oshimen". 300 mapapalad na mga nag-awdisyon ay nakadaupang palad ang mga miyembro ng AKB 48 na ginanap 17:00 sa TriNoma 4th Floor Garden.

Pangkalahatang eleksyon: pag kakaanunsyo sa mga unang myembro ng banda

baguhin

Sa ika- 28 Abril 2018, ang HalloHallo Entertainment ay iaanunsyo ang mga kauna-unahang miyembro ng MNL48.

Ang MNL48, ay katulad ng AKB48, ang bawat miyembro ay tinatawag na mga "Idolo" (Idols), na inaasahang magiging isang mabuting ihemplo para sa mga kabataan, ang kanilang imaheng masisigla Kyut / magaganda at bibo ay ang isang katangiang tatak ng banda, sa kabila ng karamihan sa mga tagahanga ay may-edad.

Pagpili

baguhin

Sa ngayon ay gaganapin pa lamang ang pag pipili sa mga magiging unang henrasyon ng mga miyembro, na lahing ipinapalabas bilang isang segment sa pantanghaling palabas na It's Showtime. Sa ngayon ay mayroong 75 finalist sa nakaraang general election.

Mga Miyembro

baguhin

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. "New AKB48 sister groups to be formed in Manila, Bangkok and Taipei". japantoday.com. 28 Marso 2016. Nakuha noong Pebrero 19, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "MNL48 announces registration and audition tour dates". mnl48.hallohallo.com. 13 Oktubre 2017. Inarkibo mula sa orihinal noong 24 Pebrero 2018. Nakuha noong Pebrero 14, 2018.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Mga kawing panlabas

baguhin