Ang MV Coco-4 ay isang lantsang pantawid na lumubog malapit sa Isla ng Bhola, Bangladesh noong 27 Nobyembre 2009, na nag-iwan ng di-bababa sa 56 na katao namatay sa mahigit na isang libong pasahero, at ilang dosena pa ang nawawala. Tulad ng iba pang lantsang pantawid sa Bangladesh, naglalayag ito ng walang tala ng mga pasahero kaya ang pagkakakilanlan ng mga namatay ay hindi matukoy. Noong ika-29 ng Nobyembre, isang barkong pansagip ang nag-ahon sa lantsa na nagbigay sa mga tagasalba ng daan upang makuha ang iba pang mga bangkay sa ilalim na kubyerta. Sa pagsasagawa ng pagsasalba, sinalubong ang mga tagasalba ng mga galit na mga tao na nadismaya sa mabagal na pagdating nang gawaing pagsasalba. Ayon sa isang nakaligtas, "Lumubog ang lantsa bago sumapit ang hatinggabi ng Biyernes, subalit hindi dumating ang mga tagasalba bago pa ang umaga." Hindi pa rin malinaw kung ano ang dahilan ng paglubog nang nasabing lantsa, subalit ayon sa isang teorya ang maaaring dahilan nang paglubog ay ang pagkakaipon ng maraming tao sa isang bahagi ng lantsa dahil sa nangyaring pagtatabukhan nang malapit na itong dumaong sa daungan. Sinabi ni Shahjahan Khan, Ministro sa Paglalayag, sa mga ahensiya ng balita na "Ikinandado na ng mga opisyal ang mga tarangkahan nang papalapit na ito sa daungan upang malaman kung sino ang nagbiyahe ng walang tiket. Ito ang nagbunsod sa pagtatakbuhan na siyang dahilan ng di pagkakabalanse ng lantsa."[1]

Mga Sanggunian

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa barko ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.   Ang lathalaing ito na tungkol sa Bangladesh ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.