Mga Macabeo

(Idinirekta mula sa Maccabees)

Ang Mga Macabeo ( /ˈmækəˌbz/) o Machabees (Hebreo: מַכַּבִּים‎, Makabīm o מַקַבִּים, Maqabīm; Latin: Machabaei o Maccabaei; Sinaunang Griyego: Μακκαβαῖοι, Makkabaioi) ay isang pangkat ng mga mandirigmang rebeldeng Hudyo laban sa Imperyong Seleucid sa Israel noong ika-2 siglo BCE.[1][2] Itinatag nila ang Dinastiyang Hasmoneo na naghari mula 167 BCE hanggang 37 BCE na naging isang idenpendiyenteng kaharian mula 110 hanggang 63 BCE. Muling itinatag ng mga Macabeo ang relihiyon ng Hudaismo sa pamamagitan ng puwersahang pag-akay sa mga Helenisadong Hudyo noong panahon ni Antiochus IV Epiphanes.

Mga inapo ni Mattathias.

Ang pangalang Macabeo (Griyego: Μακκαβαῖος Makkabaios mula sa Hebreong maqqeb et, "martilyo" ay karaniwang katumbas ng Dinastiyang Hasmoneo ngunit ang mga Macabeo ay tumutukoy lamang kay Judas Macabeo at kanyang apat na kapatid na lalake. Ang pangalang Macabeo ay personal na epiterta ng Juda(1 Macabeo 2:4) at ang mga kalaunang henerasyon ay hindi niya tuwirang inapo. Ang isang paliwanag ay ang pinagmulan ng pangalang ito ang Aramaikong maqqəḇa o "ang martilyo" bilang pagkilala sa marahas na pakikipaglaban ng Kaharian ng Juda sa mga digmaan. Ang tradisyonal na paliwanag na Hudyo ay ang Macabeo (Hebreo: מכביםMachabi) ay isang acronym para sa talata ng Torah na sigaw himagsikan ng mga Macabeo na "Mi chamocha ba'elim YHWH" o "Sino ang tulad Mo sa mga Makalangit na Kapangyariahan, Panginoon!"[3][4] gayundin bilang acronym para sa "Matityahu haKohen ben Yochanan" (Dakilang Saserdong Matthias na anak ni Juan).

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Cohn, Marc (2007). The Mathematics of the Calendar. p. 60. ISBN 978-1430324966.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Fischer-Lichte, Erika (2005). Theatre, Sacrifice, Ritual: Exploring Forms of Political Theatre. Routledge. pp. 195. ISBN 978-0415276757.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Scherman, Nosson, pat. (1998). Tanakh = Tanach : Torah, Neviʼim, Ketuvim : the Torah, Prophets, Writings : the twenty-four books of the Bible, newly translated and annotated (ika-1st student size ed., Stone (na) edisyon). Brooklyn, N.Y.: Mesorah Publications. pp. 171–172. ISBN 1578191092.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Exodus 15:11