Magnifico (pelikula)

Ang Magnifico[1] ay isang 2003 na pelikulang nagmula sa Pilipinas. Hinggil ito sa isang siyam na taong gulang na batang nagngangalang Magnifico, ang pinagbatayan ng pamagat ng pelikula.[2] Si Maryo J. Delos Reyes ang direktor ng pelikulang kinabibidahan nina Albert Martinez, Lorna Tolentino at Jiro Manio (bilang Magnifico).[1] Nilalarawan ang pelikula bilang isang malungkot na pelikulang dula at pangmag-anak. Nagwagi ang pelikula ng Gantimpalang Jury (ng Kinderfilmfest) mula sa Pandaigdigang Kapistahang Pampelikula sa Berlin (Berlin International Film Festival).[3][4] Sinulat ang kuwento ni Michiko S. Yamamoto.[5] Pinarangalan din ang panoorin bilang pinakamahusay na pelikula ng Star, FAMAS, FAP, at URIAN noong 2004.[4] Itinanghal rin ito sa lungsod ng New York noong Hunyo 2005.[3]

Magnifico
DirektorMaryo J. De los Reyes
SumulatYesharim B. Yamamoto
Itinatampok sinaTingnan ang talaan
Inilabas noong
29 Enero 2003 (2003-01-29)
Haba
120-122 minuto
BansaPilipinas
WikaFilipino

Buod ng Magnifico

baguhin

Nang mawala ang tulong na guguling pampag-aaral ng kaniyang kapatid na lalaking si Miong, nagsimulang mawalan na rin ng pag-asa ang mga magulang (ginanapan nina Albert Martinez at Lorna Tolentino) ni Magnifico, sapagkat hindi na nila alam kung paano pa sila makakaahon pa sa kahirapan.[3][4] Nagmula si Magnifico sa isang nayon ng Lumban, Laguna, na inibig tumulong sa kaniyang mga magulang, sapagkat may sakit na kanser ang kaniyang lola (ginanapan ni Gloria Romero). Bukod sa nawala ang tulong na panggugol pampag-aaral ng nakatatandang kapatid na lalaki (ginananapan ni Danilo Barrios), may sakit ding cerebral palsy ang kapatid pa niyang babaeng si Helen (Isabella De Leon).[5][6]

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Magnifico sa IMDb.com
  2. Magnifico, CineFilipino.com
  3. 3.0 3.1 3.2 Magnifico, Ulat mula sa Konsulado Heneral ng Pilipinas, IATV.tv (PDF)
  4. 4.0 4.1 4.2 Ulat hinggil sa Magnifico, The Imaginasian Presents New York Film Festival on June 10, 2005, The Imaginasian - News Release, 12 Mayo 2005, PCGNY.net
  5. 5.0 5.1 LeVasseur, Andrea. "Magnifico," Naka-arkibo 2008-10-06 sa Wayback Machine. All Movie Guide, StarPulse.com
  6. Magnifico, pagsusuring pampelikula, CBCPWorld.com, 14 Pebrero 2003