Magnitud (astronomiya)
Sa larangan ng astronomiya, ang magnitud (Ingles: magnitude), na katumbas ng kalakhan, laki, kalakihan (at kung minsan ay "kahalagahan" din, sa ibang diwa) ay ang sukat na logaritmiko ng kaningningan ng isang bagay, na sinusukat sa isang tiyak na haba ng daluyong o bahag ng paglagos, na karaniwang nasa mga haba ng daluyong na optikal o halos imprared.
Kasaysayan
baguhinAng sistema ng magnitud ay maipepetsang pabalik sa humigit-kumulang sa 2000 mga taon papunta sa astronomong Griyego na si Hipparchus (o sa astronomong Alejandrianong si Ptolomeo - sapagkat iba-iba ang sinasabi ng mga sanggunian) na nag-uri-uri ng mga bituin ayon sa kanilang nawawaring kaningningan, na tinanaw nila bilang sukat (sa diwa na ang "magnitud ay may kahulugang kalakihan"[1]).
Sa matang hindi tinutulungan ng anumang kasangkapang pantingin o pansilip, ang isang mas lantad na bituin na katulad ng Sirius o ng Arcturus ay lumilitaw na mas malaki kaysa sa isang hindi gaanong lantad na bituing katulad ng Mizar, na tila lumilitaw na mas malaki kaysa sa isang talagang maputlang (hindi maliwanag, malabo) bituin na katulad ng Alcor. Ang sumusunod na isinalinwikang sipi o pagbanggit mula noong 1736 ay nagbibigay ng isang mahusay na paglalarawan ng sinaunang sistema ng magnitud na ginagamitan ng mata lamang:
Ang nakapirming mga Bituin (hindi gumagalaw o hindi tumitinag na mga bituin) ay lumilitaw na mayroong iba't ibang mga Kalakihan (pagiging malaki), hindi dahil sa talagang ganoon ang mga ito, subalit dahil ang mga ito ay hindi talaga patas ang layo magmula sa atin [Paunawa-sa ngayon ay nalalaman na ng mga astronomo na ang katingkaran ng mga bituin ay isang tungkulin kapwa ng kanilang layo at ng kanilang kakinangan]. Iyong mga pinaka malalapit ay mangingibabaw sa Kakintaban at Kalakihan; ang mas malalayong mga Bituin ay magbibigay ng isang mas malabong Liwanag, at tila mas maliit [sa paningin] ng Mata. Kung gayon lumilitawa ang Pagkakamudmod ng mga Bituin ayon sa Pagkakasunud-sunod (Orden) at Karangalan, upang maging mga Klase (mga uri); ang unang Uri na naglalaman ng mga pinaka malalapit sa atin, ay tinatawag na mga Bituin ng unang Magnitud; ang mga kasunod ng mga ito, ay mga Bituin na may ikalawang Magnitud ... at saka ang mga sumunod pa, hanggang sa makarating tayo sa mga Bituin ng ikaanim na Magnitud, na nakawawatas sa pinaka maliliit na mga Bituin na maaaring aninawin ng Mata lamang. Para sa lahat ng iba pang mga Bituin, na natatanaw lamang sa pamamagitan ng Tulong ng isang Teleskopyo, at tinatawag na Teleskopikal, ay hindi kinikilala na kasama ng anim na mga Orden na ito. Bagaman ang Pag-iiba-iba ng mga Bituin upang maging anim na mga Antas ng Magnitud ay karaniwang tinatanggap ng mga Astronomo; ngunit hindi tayo makapaghuhusga, na ang bawat isang partikular na Bituin ay talagang dapat na iranggo ayon sa isang partikular na Kalakihan, na isa sa Anim; ngunit sa katotohanan ay mayroong halos kasindaming mga Order ng mga Bituin, na kasingdami ng mga Bituin, na ilan sa mga ito ay talagang may magkakatulad na Kalakihan at Kakintaban. At kahit na sa piling ng mga Bituing ito na isinasaalang-alang na pinakamaningnging ang Uri, mayroong lumilitaw na Sari-saring Magnitud; para sa Sirius[2]
Tandaan na kapag mas matingkad ang bituin, mas maliit ang magnitud: Ang maniningning na mga bituin na "una sa magnitud" (nasa unang magnitud) ay mga bituing "primera klase" (nasa unang uri), samantalang ang mga bituin halos hindi matanaw ng mata lamang ay nasa "ika-6 na magnitud" o "ika-6 ang uri".
Mga sanggunian
baguhin- ↑
Heifetz, M.; Tirion, W. (2004), A walk through the heavens: a guide to stars and constellations and their legends, Cambridge: Cambridge University Press, p. 6
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑
Keill, J. (1739), An introduction to the true astronomy (Ika-3 Edisyon), London, pp. 47–48
{{citation}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)