Si Mahmoud Abbas (Arabo: محمود عباس) (ipinanganak 26 Marso 1935), karaniwang kilala bilang Abu Mazen (Arabo: ابو مازن), ay inihalal na Pangulo (Ra'ees) ng Palestinian National Authority (PNA) noong 9 Enero 2005 at nagsimula ng kanyang panunungkulan noong 15 Enero 2005.

Mahmoud Abbas (2003)

Isang nangungunang politiko sa Fatah si Abbas. Nagsilbi siya bilang tagapangulo ng Organisasyon para sa Paglaya ng Palestina (OLP) mula 11 Nobyembre 2004 pagkamatay ni Yasser Arafat. Nagsilbi siya bilang Punong ministro ng Palestinan Authority mula Marso hanggang Oktubre 2003 kung kailan bumaba siya sa kanyang pwesto sa gitna ng isang alitan sa kapangyarihan kay Arafat. Bago siya ipinangalang Punong Ministro, pininuno ni Abbas ang Negotiations Affairs Department ng OLP. Ang kanyang reputasyon sa Kanluran ay isang impluwensiyang nagmomodera sa Palestinian Authority, na may tunay na hangad tungo sa pagkakamit ng kapayapaan.

Isang pangkataas-taasang titulo ang kanyang pangalang Abu Mazen, na naglalahad ng mataas na pagtinging popular mula sa lipunang Palestino. Nangangahulugan itong “ama ni Mazen”, at tumutukoy sa kanyang panganay na anak. Karaniwan sa mga lalaking Arabo ang mapangalan sa ganitong pamamaraan.


Talambuhay Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.