Makiling Integrated School

Ang Makiling Integrated School ay isang pampublikong paaralang pansekundarya. Ito'y matatagpuan sa Barangay Makiling, Calamba City, Laguna. Ito'y itinatag noong Enero 1974 bilang Makiling National High School na mayroon pa lamang una hanggang ikaapat na taon ng sekundarya.[1]

Makiling Integrated School
Paaralang Pansekundarya ng Makiling
Itinatag noongJanuary 1974
COVID-19 (Partially f2f)
UriPublic Secondary with Senior High School
Lokasyon
14°09′15″N 121°08′15″E / 14.154275°N 121.137621°E / 14.154275; 121.137621
Kulay Green
White
PalayawMakilinian

Noong taong panuruan 2017 - 2018, nakasama ang Makiling National High School sa mga unang implementors o nagpatupad ng Senior High School sa sangay ng lungsod ng Calamba, kung kaya't sa parehong taong panuruan, nagsimula itong tumanggap ng mga mag-aaral para sa baitang 11 hanggang 12. Ang mga taon ng sekundarya ay tinawag na ring baitang (mula 7 hanggang 10), kasabay ng pagbabagong ito, sinimulang tawaging Makiling Integrated School ang paaralan. [1]

Ito ay ang nag-iisang pampublikong paaralang na matatagpuan sa Timugang bahagi ng Calamba patungo sa lalawigan ng Batangas. [1]

Ang harapan ng Makiling Integrated School.

Simulain

baguhin

Noon 1974, ang mataas na paaralan ng Makiling ay binuksan sa pagsusumikap nina G. Jose Mulinyawe, Atty. Ireneo Castillo, at. G. Engracio Piamonte. Ang punungguro ay si Gng. Potenciana Hosmillo.[2]

Sa pagkakatatag nito noong 1974, ang paaralan ay sumailalim sa pamamahala ng punungguro ng Makiling Elementary School noon na si G. Severino Lalap, bilang pangalawang punungguro para sa paaralang sekundarya. Nang maging hiwalay na ang pamamahala ng dalawang paaralan, sinimulang tawaging Makiling National High School ang paaralan.[1]

Napabilis din pagkakatatag ng paaralan dahil sa mga guro na nangalap ng mga magiging mag-aaral sa mga kalapit-barangay ng Makiling gaya ng unang naging guro na si Gng. Evelina L. Barricanosa at dahil na rin sa pakikipagtulungan ng Punong Barangay at ng Punongbayan noon na si Salvador Delmo.[1][2]

Kurikulum

baguhin

Bilang isa sa mga implementor ng K to 12, ang Makiling Integrated School ay tumatanggap ng mga mag-aaral para sa baitang 7 hanggang 10 sa Junior High School at baitang 11 hanggang 12 sa Senior High School.

Mga Tracks na maaaring kunin sa Senior High School

baguhin

Academic Track

baguhin
  • Accountancy, Business and Management
  • General Academic Strand
  • Humanities and Social Sciences

Technical-Vocational Track

baguhin
  • Home Economics (Bread and Pastry Production, Food and Beverage Services, Commercial Cooking)
  • Electrical Installation and Maintenance
  • Electronic Product Assembly and Servicing

Sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 1.4 https://www.facebook.com/pg/MakilingIntegratedSchoolOfficial/about/?ref=page_internal
  2. 2.0 2.1 Sa aming Ka-Barangay, sa Silangang Purok ng Calamba - Kasaysayan, Hemograpiya, Demograpiya, Sibika,1989