Makiling, Calamba
Ang Makiling ay isang barangay sa mataas na bahagi Calamba sa lalawigan ng Laguna, Pilipinas . Ipinangalan ayon sa lokasyon nito sa paanan ng Bundok Makiling, ang pinakamataas na bundok sa lalawigan ng Laguna.
Makiling | ||
---|---|---|
Rural Barangay Growth Management Zone 1 & 2 | ||
Barangay Makiling, Lungsod ng Calamba | ||
Tanawin mula sa Maharlika (National) Highway sa bahagi ng Barangay Makiling na bumabagtas sa kahabaan ng lungsod ng Calamba hanggang sa lalawigan ng Batangas | ||
| ||
Mga koordinado: 14°09′08″N 121°08′17″E / 14.15222°N 121.13806°E | ||
Country | Philippines | |
Province | Laguna | |
Region | Calabarzon (Region IV-A) | |
City | Calamba | |
Pamahalaan | ||
• Chairman | Aigrette P. Lajara | |
• Councilors |
| |
Lawak | ||
• Lupa | 4.657 km2 (1.798 milya kuwadrado) |
Ang Barangay Makiling ang pinakadulong barangay ng Calamba na patungo sa Batangas. Ang kahabaan ng barangay ay nagmumula sa kinatatayuan ng Island Gas sa National Highway hangang sa malaking tulay na pinakahangganan ng Lungsod ng Sto. Tomas sa Batangas[1].
Noong mahawan ang kagubatan at makita ang malulusog na pananim ng mga magsasaka, tinawag itong lugar na San Isidro. Ito ay dahil sa si San Isidro Labrador ang patron ng mga magsasaka. Pinagkaisahan ng mga naunang nanirahan na si San Isidro ang kanila na ring maging patron.
Subalit noong maglaon, unti-unting nanaig sa mga taong dumaraan dito ang katawagang Makiling dahil sa kapansin-pansin ang maraming kiling o "ridges" ng bundok Makiling.[1]
Pinagmulan
baguhinAyon sa sali't saling kuwento ng mga matatanda, ang Barangay Makiling noong panahon ng Kastila ay isang malawak na kagubatan. Maraming hayop gubat na tulad ng matsing, usa, baboy ramo at mga labuyo dito noon. Tatlong pamilyang Batangueño pa lamang ang naninirahan dito. Dumami nang dumami ang mga taga-Batangas na naninirahan dito dahil sa angkop ang lugar na ito sa pagsasaka. [1]
Isa sa mga naunang nanirahan na naging maunlad ang pamumuhay ay si G. Antonio Castillo. Siya ang kauna-unahang nakapagpatayo ng iluhan ng tubo at lutuan ng asukal. Dahil dito, maraming tagarito ang nagsipagtanim ng tubo at nagbili ng asukal.
Nang sumiklab ang rebolusyon noong 1896, maraming tagarito ang sumanib sa katipunan at lumaban sa mga Kastila.[1]
Panahon ng Amerikano
baguhinMalaki ang ipinagbago ng barangay nang dumating ang mga Amerikaho. Noong mga taong 1911 hanggang 1920, naganap ang pagpapaayos at pagpapaluwag ng mga kalsada sa buong Pilipinas. Ipinagawa ang mga daang riles.
Buhat sa Calamba, naglagay ng riles patungo sa Batangas. Nagkaroon ng istasyon ng tren sa Barangay Makiling. Magmula rin sa Calamba, pinaluwang ang kalsada patungong Batangas na dumaraan sa barangay. Dahil dito, lalong bumilis ang pagdadala ng mga produkto sa mga pamilihan kaya naging mabilis din ang pag-unlad ng kabuhayan sa barangay.[1]
Pagawaan ng Asukal
baguhinAng Barangay Makiling ay isa sa nayon ng Calamba na gumagawa ng asukal.
Ang paggawa ng asukal noon ay ginagamitan ng iluhan. Ito ay mga bilog na bato na kasinlaki ng bariles na iniipit ang tubo upang mapiga. Ang katas ay pinapaagos naman sa lutuang kawa. Pito ang kawang pinaglilipat-lipatan ng puyaw hanggang maging asukal. Ang iluhan ay pinaiikot ng nakasingkaw na kalabaw o baka sa mahabang baras.[1]
Unang Paaralan
baguhinSa panahon din ng Amerikano nagsimula ang pagtatag ng paaralan sa barangay na ito.
Dahil sa malayo ang paaralan ng mga batang mag-aaral at hirap sa paglalakbay mula sa nayon hanggang sa Tanauan sa Batangas at sa Calamba, sinikap ng Tiniente del Barrio na si G. Teodoro Macatangay na maitatag ang paaralan sa nayon. Binuksan ang unang paaralan sa unang baitang sa tahanan ni G. Antonio Castillo. May 38 batang mag-aaral ang tinuruan ng unang guro na si Bb. Elisa Arambulo.
Pagkatapos ng isang taong ay sinikap ni G. Teodora Macatangay at Bb. Elisa Arambulo na makapagpatayo ng sariling paaralan para sa nayon. Nahimok nila si G. Antonio Dimayuga na magdonasyon ng lupa na may sukat na 6,930 metro kuwadrado.
Noong 1939, dalawang silid aralan ang binuksan.[1]
Panahon ng Hapon
baguhinAng Barangay Makiling ay isa sa mga nayon noong panahon ng Hapon na pinagpugaran ng mga guerilla. Malimit dito magtago ang mga guerilla ng iba't ibang pangkat mula sa Calamba at Sto. Tomas sa Batangas. May kalalakihang taga-Makiling na sumapi sa kilusang guerilla. Ito ay pinamunuan noon ni Tiniente Marcos Oruga[1]
Panahon ng Kasarinlan
baguhinNoong muling magbalik ang mga Amerikano sa Pilipinas, binuksan agad ang mababang paaralan ng Makiling. Noong 1952, ang turo dito ay hanggang ikalimang baitang lamang. Noong 1961, ang paaralan ay naging ganap na elementarya. Noong 1962, nagkaroon ng unang pagtatapos.
Noon namang 1974, ang mataas na paaralan ng Makiling ay binuksan sa pagsusumikap nina G. Jose Mulinyawe, Atty. Ireneo Castillo, at. G. Engracio Piamonte. Ang unang guro ay si Gng. Evelina Baricanosa. Ang punong guro ay si Gng. Potenciana Hosmillo.[1]
Nagsimula ang mataas na paaralan ng Makiling bilang Makiling National High School na may apat na taon para sa sekundarya. Noong 2017, bilang isa sa mga paaralang naunang nagpatupad ng kurikulum na K to 12 sa Sangay ng Lungsod ng Calamba, nagkaroon ito ng programang pang-Senior High School kaya't gaya ng iba pang mga naunang nagpatupad na paaralan, nabago ang pangalan nito at ngayo'y tinatawag nang Makiling Integrated School.[2]
Pre-Elementarya
baguhin- Makiling Day Care Center
Pre-Elementarya at Elementarya
baguhin- Makiling Elementary School
- Immaculate Conception Catholic School - Calamba
- Joy Christian Light House Academy
High School at Senior High School
baguhin- Makiling Integrated School (dating Makiling National High School)
High School, Senior High School at Kolehiyo
baguhin- Lyceum of the Philippines University
Heograpiya
baguhinAng Barangay Makiling ay malawak. May bahaging mabundok at mayroon ding patag. Ang hilagang hangganan nito ay nagmumula sa bakod ng Island Gas at ang timog na hangganan ay ang sapang dumurugtong sa Ilog San Juan kung saan may malaking tulay at arko na nagsisilbi namang bukana ng lalawigan ng Batangas sa bayan ng Sto. Tomas. Sa hilaga ng Barangay Makiling ay ang Barangay Milagrosa. Sa kanlurang baybay ng Ilong San Juan ay ang Barangay Ulango at Kay-Anlog. Sa Hilagang silangan ng Barangay Makiling ay ang Barangay Saimsim, Camaligan at Puting Lupa. Sa timog ng Barangay Makiling ay ang Barangay Sta. Anastacia sa Lungsod ng Sto. Tomas, sa Batangas.[1]
Populasyon
baguhin- 2010 - 7,510
- 2007 - 7,100
- 2000 - 5,130
- 1995 - 4,326
- 1990 - 3,382
- 1980 - 2,000
Industriya
baguhinMaraming pabrika ang makikita sa barangay na ito. Ang ilan sa mga kilala at naunang naitayo ay ang Yazaki-Torres Manufacturing Inc., at Yakult.
Mga Sanggunian
baguhin- ↑ 1.00 1.01 1.02 1.03 1.04 1.05 1.06 1.07 1.08 1.09 Sa aming Ka-Barangay, sa Silangang Purok ng Calamba - Kasaysayan, Hemograpiya, Demograpiya, Sibika,1989
- ↑ https://www.facebook.com/MakilingIntegratedSchoolOfficial/about/?ref=page_internal
- ↑ "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong 2018-11-03. Nakuha noong 2020-05-11.
{{cite web}}
: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: date auto-translated (link)