Makinang payak
Ang makinang payak (sa Ingles: simple machine) ay isang uri ng kagamitang mekanikal na nagpapabago ng direksyon o laki ng lakas. Sa pangkalahatan, ito ay maituturing na pinakapayak na mga mekanismo na gumagamit ng napapakinabangang mekanikal upang palakihin ang lakas.
Ang payak na makina ay gumagamit ng iisang inilapat na lakas upang makagawa ng paggawa laban sa isang lakas. Kung babaliwalain ang lakas na nawawala tuwing nagkikiskisan ang mga bagay, ang paggawang ginawa sa isang bagay ay kaparehas ng paggawang ginawa ng inilapat na lakas. Ang makina ay may kakayahang palakihin ang inilalabas na lakas ngunit bumababa ang [layo]] na magagalawan ng bagay na iyon.
Ang mga payak na makina ay nagsisilbing pundasyon ng mas komplikadong mga makina. Halimbawa nito ay ang bisikleta na gumagamit ng ng mekanismo ng gulong, dalawit at kalo. Ang kapanibangang mekanikal ng isang komplikadong makina ay ang produkto ng kapanibangang mekanikal ng mga payak na makinang bumubuo rito.