Wikang Malgatse

(Idinirekta mula sa Malagasy)

Ang wikang Malgatse o Malagasi (/ˌmalaˈɡasʲ/) ay isang wikang Austronesyo at ang pambansang wika ng Madagascar. Sinasalita ito ng karamihan sa mga tao sa Madagascar bilang unang wika pati na rin ng ilang tao na may Malgatse na pinanggalingan sa ibang dako.

Malgatse
Katutubo saMadagascar, Comoros, Mayotte
Mga natibong tagapagsalita
18 milyon (2007)[1]
Alpabetong Latin (Alpabetong Malgatse)
Malagasy Braille
Opisyal na katayuan
 Madagascar
Mga kodigong pangwika
ISO 639-1mg
ISO 639-2mlg (B)
mlg (T)
ISO 639-3mlg – inclusive code
mGa indibidwal na kodigo:
xmv – Wikang Antankarana
bhr – Wikang Bara
buc – Wikang Bushi
msh – Wikang Masikoro
bmm – Wikang Hilagaing Betsimisaraka
plt – Wikang Talampas na Malgatse
skg – Wikang Sakalava
bzc – Wikang Katimugang Betsimisaraka
tdx – Wikang Tandroy-Mafahaly
txy – Wikang Tanosy
tkg – Wikang Tesaka
xmw – Wikang Tsimihety
Glottologmala1537
Linguasphere31-LDA-a
Naglalaman ang artikulong ito ng mga simbolong ponetiko ng IPA Posible po kayong makakita ng mga tandang pananong, kahon, o iba pang mga simbolo imbes ng mga karakter ng Unicode dahil sa kakulangan ng suporta sa pag-render sa mga ito. Para sa isang panimulang gabay sa mga simbolong IPA, tingnan ang en:Help:IPA.

Pag-uuri

baguhin

Ang wikang Malgatse ay ang pinakakanlurang miyembro ng Malayo-Polinesyo na sangay ng wikang pamilya na Austronesyo.[2] Ang kaibahan nito mula sa kalapit na mga Aprikanong wika ay nabanggit noong 1708 ng Olandes na iskolar na si Adriaan Reland.[3] Ito ay may kaugnayan sa Malayo-Polinesyong mga wika ng Indonesia, Malaysia, at Pilipinas, at mas malapit sa mga wikang Silangang Barito na sinasalita sa Borneo maliban sa mga Polinesyong morponemiko nito.[4] Ayon kay Roger Blench (2010), ang pinakamaagang anyo ng wikang sinasalita sa Madagascar ay maaaring nagkaroon ng ilang mga di-Austronesyong substrata.[5]

Mga numerong desimal 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10
PAN, circa 4000 BK *isa *DuSa *telu *Sepat *lima *enem *pitu *walu *Siwa *puluq
Tagalog isá dalawá tatló ápat limá ánim pitó waló siyám sampu
Ilokano maysá dua talló uppát limá inném pitó waló siam sangapúlo
Sebuwano usá duhá tuló upat limá unom pitó waló siyám napulu
Tsamoro maisa/håcha hugua tulu fatfat lima gunum fiti guålu sigua månot/fulu
Malay satu dua tiga[6] empat lima enam tujuh lapan sembilan sepuluh
Habanes siji loro telu papat limo nem pitu wolu songo sepuluh
Pidyiyano dua rua tolu lima ono vitu walu ciwa tini
Tongan taha ua tolu nima ono fitu valu hiva -fulu
Sāmoan tasi lua tolu lima ono fitu valu iva sefulu
Māori tahi rua toru whā rima ono whitu waru iwa tekau (sinauna: ngahuru)
Tahitian hō'ē piti toru maha pae ono hitu va'u iva 'ahuru
Marquesan e tahi e 'ua e to'u e fa e 'ima e ono e fitu e va'u e iva 'onohu'u
Hawayano kahi lua kolu lima ono hiku walu iwa -'umi
Malgatse iray roa telo efatra dimy enina fito valo sivy folo

Kasaysayan

baguhin

Ang Madagascar ay unang tinirhan ng mga taong Austronesyo mula sa Karagatnin na Timog-silangang Asya na dumaan sa Borneo.[7] Ang mga migrasyon ay nagpatuloy sa unang milenyo, na nakumpirma ng mga lingguwistikong mananaliksik na nagpakita sa malapit na ugnayan sa pagitan ng wikang Malgatse at sa mga wikang Lumang Malay at Lumang Habanes ng panahong ito.[8][9] Sa malayong panahon, c. 1000, ang mga orihinal na Austronesyong naninirahan ay humalo sa mga Bantu at Arabo, kabilang ng iba.[10] May katibayan na ang (mga) hinalinhan ng mga Malgatse na diyalekto ay unang dumating sa katimugang kahabaan ng silangang baybayin ng Madagascar.[11]

Ang Malgatse ay may tradisyon ng pasalitang sining at matulain na mga kasaysayan at mga alamat. Ang pinaka-kilala ay ang pambansang epiko, ang Ibonia, tungkol sa isang katutubong bayaning Malgatse ng parehong pangalan.[12]

Mga sanggunian

baguhin
  1. Mikael Parkvall, "Världens 100 största språk 2007" (The World's 100 Largest Languages in 2007), in Nationalencyklopedin
  2. Malagasy's family tree on Ethnologue
  3. "New palaeozoogeographical evidence for the settlement of Madagascar" (PDF). Inarkibo mula sa orihinal (PDF) noong 2011-07-21. Nakuha noong 2017-01-25.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Wittmann, Henri (1972). "Le caractère génétiquement composite des changements phonétiques du malgache." Proceedings of the International Congress of Phonetic Sciences 7.807-10. La Haye: Mouton.[1]
  5. Blench, Roger; Walsh, Martin (11 Enero 2010). "The vocabularies of Vazimba and Beosi: Do they represent the languages of the pre-Austronesian populations of Madagascar?" (PDF).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. In Kedukan Bukit inscription the numeral tlu ratus appears as three hundred, tlu as three, in http://www.wordsense.eu/telu/ the word telu is referred to as three in Malay, although the use of telu is very rare.
  7. [2] Ricaut et alii (2009) "A new deep branch of eurasian mtDNA macrohaplogroup M reveals additional complexity regarding the settlement of Madagascar", BMC Genomics
  8. Adelaar, K. Alexander; Himmelmann, Nikolaus (2005). The Austronesian Languages of Asia and Madagascar. Psychology Press. ISBN 978-0-7007-1286-1. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. Simon, Pierre R. (2006). Fitenin-drazana. L'Harmattan. ISBN 978-2-296-01108-3. {{cite book}}: Invalid |ref=harv (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. Ferrand, Gabriel (1905). Les migrations musulmanes et juives à Madagascar. Paris: Revue de l'histoire des religions
  11. Serva, Maurizio; Petroni, Filippo; Volchenkov, Dima; Wichmann, Søren. "Malagasy Dialects and the Peopling of Madagascar". arXiv:1102.2180.
  12. "Archive copy". Inarkibo mula sa orihinal noong Hulyo 22, 2011. Nakuha noong Enero 25, 2017.{{cite web}}: CS1 maint: archived copy as title (link) CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.