Si Malala Yousafzai (Urdu: ملالہ یوسفزئی‎, Pastun: ملاله یوسفزۍ‎, bigkas: [məˈlaːlə jusəfˈzəj]; ay ipinanganak noong 12 Hulyo 1997.[4] Siya ay isang babaeng Pakistani at aktibista sa edukasyon at ang 2014 Nobel Peace Prize laureate [5] sa edad na 17. Siya ang pinakabatang nagwagi ng Nobel Prize sa mundo, ang pangalawang Pakistani at ang unang Pastun na nakatanggap ng Nobel Prize. Si Yousafzai ay isang tagapagtaguyod ng karapatang pantao para sa edukasyon ng mga kababaihan at mga bata sa kanyang tinubuang lupa, sa Swat, kung saan minsan pinagbawalan ng Pakistani Taliban ang mga batang babae na pumasok sa paaralan. Ang kanyang adbokasiya ay lumago sa isang internasyonal na kilusan, at ayon sa dating Punong Ministro na si Shahid Khaqan Abbasi, siya ay naging "pinakakilalang mamamayan" ng Pakistan. [6]

Malala Yousafzai
ملاله یوسفزۍ
Si Yousafzai sa isang event noong 2019
Kapanganakan (1997-07-12) 12 Hulyo 1997 (edad 27)
EdukasyonLady Margaret Hall, Oxford (BA)
TrabahoActivist for female education
OrganisasyonMalala Fund
AsawaAsser Malik (k. 2021)[2]
Magulang
PagkilalaNobel Peace Prize (2014)
Websitemalala.org

Sya ang anak na babae ng aktibistang si Ziauddin Yousafzai, siya ay isinilang sa isang Yusufzai Pashtun na pamilya sa Swat at ipinangalan sa Afghan folk heroine na si Malalai ng Maiwand. Isinasaalang-alang sina Abdul Ghaffar Khan, Barack Obama, at Benazir Bhutto bilang kanyang mga huwaran, [7] naging inspirasyon din niya ang mga kaisipan at makataong gawain ng kanyang ama. [8] Noong unang bahagi ng 2009, noong siya ay 11 taong gulang, nagsulat siya ng isang blog sa ilalim ng kanyang pseudonym na Gul Makai para sa BBC Urdu upang idetalye ang kanyang buhay sa panahon ng pananakop ng mga Taliban sa Swat. Nang sumunod na tag-araw, ang mamamahayag na si Adam B. Ellick ay gumawa ng dokumentaryo para New York Times tungkol sa kanyang buhay habang inilunsad ng Pakistan Armed Forces ang Operation Rah-e-Rast laban sa mga militante sa Swat. Noong 2011, natanggap niya ang kauna-unahang Pambansang Gantimpala para sa Kapayapaan ng Kabataan sa Pakistan. [9] [10] Sumikat siya, sa pagbibigay nya ng mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon, at hinirang para sa International Children's Peace Prize ng aktibistang si Desmond Tutu.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Anon (2019). ",". Who's Who. doi:10.1093/ww/9780199540884.013.U282567. {{cite book}}: |website= ignored (tulong)CS1 maint: date auto-translated (link) (Subscription or UK public library membership required.)
  2. "Malala Yousafzai announces her marriage on Twitter". CBC News. Associated Press. 9 Nobyembre 2021. Inarkibo mula sa orihinal noong 9 Nobyembre 2021. Nakuha noong 9 Nobyembre 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. 3.0 3.1 Tighe, Siobhann (18 Abril 2017). "Malala Yousafzai's mother: Out of the shadows". BBC News. Inarkibo mula sa orihinal noong 19 Abril 2021. Nakuha noong 13 Enero 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Maling banggit (Hindi tamang <ref> tag; walang binigay na teksto para sa refs na may pangalang BBC2012); $2
  5. "Malala Yousafzai Becomes Youngest-Ever Nobel Prize Winner". 10 Oktubre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Oktubre 2014. Nakuha noong 11 Oktubre 2014.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. Johnson, Kay (28 Marso 2018). "Nobel winner Malala in tears on emotional return to Pakistan" (sa wikang Ingles). Reuter's. Inarkibo mula sa orihinal noong 29 Marso 2018. Nakuha noong 29 Marso 2018.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Waraich, Omar (23 Disyembre 2014). "Malala, Obama, socialism: Nobel laureate's political views are complex". Al Jazeera America. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Disyembre 2015. Nakuha noong 6 Hunyo 2021.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "Following in Benazir's footsteps, Malala aspires to become PM of Pakistan". The Express Tribune (sa wikang Ingles). 10 Disyembre 2014. Inarkibo mula sa orihinal noong 17 Agosto 2016. Nakuha noong 12 Setyembre 2016.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. D'Amours, Jillian Kestler. "Malala Yousafzai made an honorary Canadian citizen". Al Jazeera. Inarkibo mula sa orihinal noong 30 Disyembre 2017. Nakuha noong 29 Disyembre 2017.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. "Malala Yousafzai Receiving Honorary Canadian Citizenship Wednesday". The Huffington Post. The Canadian Press. 15 Oktubre 2013. Inarkibo mula sa orihinal noong 16 Oktubre 2013. Nakuha noong 17 Oktubre 2013.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)