Maliit at malaking titik

(Idinirekta mula sa Malalaking mga titik)

Sa ortograpiya at tipograpiya, ang maliit at malaking titik ay pagkakaiba ng titik ayon laki (o kapital) o liit nito sa ilang mga wika. Sa iskrip na Latin, ang mga malalaking titik ay ang A, B, C, atbp., habang ang mga maliliit na titik ay ang a, b, c, atbp. Ito ang paghahambing ng mga bersiyon ng maliliit at malalaking titik sa alpabetong Filipino (maiiba ang tumpak na representasiyon sang-ayon sa font na ginamit):

Ang malaking titik "A" at ang maliit na titik "a" ay ang dalawang baryante ng unang titik sa alpabetong Tagalog o Ingles.
Upper Case: A B C D E F G H I J K L M N Ñ NG O P Q R S T U V W X Y Z
Lower Case: a b c d e f g h i j k l m n ñ ng o p q r s t u v w x y z

Malaking titik

baguhin

Ginagamit ang malaking titik sa unang letra ng pangungusap upang:

  • Mas madaling matandaan na ito ay simula ng pangungusap
  • Maikukumpara sa mga pangalang kapareha nito e.g.:rito-isang salitang nagpapahayag kung saan, Rito-pangngalan;pangalan ng isang tao.

Maraming dahilan ang pagkakaroon ng malaking titik sa unahan ng pangungusap, o sa gitna;huli. Maaaring ito'y naipasa na sa literatura o nakasanayan lamang.