Ang Malanje (karaniwang binabaybay nang mali bilang Malange) ay ang kabisera ng lalawigan ng Malanje sa Angola na may populasyon ng humigit-kumulang 222,000 katao. Matatagpuan ito 380 kilometro (240 milya) silangan ng Luanda, ang kabisera ng bansa. Sa pangunahin ay maumido ang klima na may karaniwang temperatura sa pagitan ng 20 at 24 °C (68 at 75 °F) at ulan na 900 hanggang 130 millimetro (35.4 hanggang 5.1 pul) sa tag-ulan (Oktubre hanggang Abril).

Malanje
Munisipalidad at lungsod
Sentro ng Malanje
Sentro ng Malanje
Malanje is located in Angola
Malanje
Malanje
Kinaroroonan sa Angola
Mga koordinado: 9°32′S 16°21′E / 9.533°S 16.350°E / -9.533; 16.350
Bansa Angola
LalawiganMalanje
Lawak
 • Kabuuan2,422 km2 (935 milya kuwadrado)
Taas
1,155 m (3,789 tal)
Populasyon
 (2009)
 • Kabuuan156,829
 • Kapal65/km2 (170/milya kuwadrado)
Sona ng orasUTC+1 (WAT)
KlimaAw

Malapit sa Malanje ang kamangha-manghang Talon ng Calandula, ang mga batuhan ng Pungo Andongo, at ang Saplad ng Capanda. Malapit din dito ang Pambansang Liwasan ng Cangandala na itinatag ng mga Portuges noong ika-25 ng Hunyo 1970 upang mangalaga sa mga giant sable antelope [en] na natuklasan noong 1963.

Kasaysayan

baguhin

Pamumuno ng mga Portuges

baguhin

Itinatag ng mga nandayuhang Portuges ang Malanje noong ika-19 na dantaon. Nagsimula noong 1885 ang pagtatayo ng daambakal mula Luanda papuntang Malanje na nasa matabang mga lupaing bulubundukin. Kabilang sa mga paligid-ligid ng Malanje ang pangunahing lugar na gumagawa ng bulak sa Portuges na Kanlurang Aprika at nagpa-andar sa pag-unlad nito mula sa simula. Ang bayan ay pinaunlad noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon bilang mahalagang feira (talipapa) sa pangunahing talampas ng Portuges Angola, sa pagitan ng Luanda — ang kabisera at pinakamalaking lungsod, 350 kilometro (220 milya)[1] sa kanluran – at ang lambak ng Ilog Cubango na tinitirhan ng liping Hilagang Mbundu, 200 kilometro (120 milya) sa silangan. Dahil nasa taas ito na 1,134 metro (3,720 talampakan),[2] mayroon itong pangmataas na lugar na klimang, kung kaya naaangkop ito sa ilang mga produksiyong pagsasaka. Naging isang mahalagang sentrong pang-agrikultura, paggawa, pangangalakal at paglilingkod. Kabilang sa mga ginagawa nito ay bulak, tela, kape, prutas at mais. Mayroon din itong sinehan, pagamutan, estasyong daambakal at paliparan.[3] Itinatag ang Pambansang Liwasan ng Cangandala ng mga maykapangyarihang Portuges noong ika-25 ng Hunyo 1970. Dati na itong ibinukod bilang isang Integral Natural Reserve noong ika-25 ng Mayo 1963.

Pagkaraan ng kalayaan mula sa Portugal

baguhin

Ang pag-alis ng mga Portuges kasabay ng kasarinlan ng Angola noong 1975 at ang sumunod na Digmaang Sibil ng Angola (1975–2002) ay lubhang nagpahadlang sa produksiyon ng bulak pati na rin ng kape at mais. Bahagyang nasira ang Malanje noong digmaang sibil, ngunit ang mga pagsisikap ng muling pagtatayo sa mga sumunod na taon pagkaraan ng digmaan ay muling nagpatayo sa lungsod at mga paligid nito.

Transportasyon

baguhin
 
Bagong estasyong daambakal ng Malanje

Paliparan

baguhin

Itinayo ang Paliparan ng Malanje IATA: MEGICAO: FNMA noong panahong kolonyal. Walang mga lipad patungong kabiserang lungsod na Luanda sa kasalukuyan.

Daambakal

baguhin

Sinimulan ang pagtatayo ng daambakal mula Luanda papuntang Malanje sa matabang mga lupaing paltok noong 1885. Kasunod ng pagtatapos ng digmaang sibil noong 2002, ito ang inaasahang dulo ng daambakal mula Luanda kapag tapos na ang muling pagtatayo.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Distance between Luanda and Malanje". Distancefromto.net. distancefromto.net. 2015. Nakuha noong 7 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Geographic coordinates of Malanje, Angola". dateandtime.info. dateandtime.info. 2015. Nakuha noong 7 Setyembre 2015.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. MalanjeAnosOuro.wmv, a film of Malanje, Overseas Province of Angola (before 1975).

9°32′S 16°21′E / 9.533°S 16.350°E / -9.533; 16.350