Glandulang mamarya
Ang isang glandulang mamarya ay isang glandulang eksokrina sa mga tao at ibang mamalya na nakakagawa ng gatas para sa sanggol o supling. Nakuha ng mga mamalya ang kanilang pangalan mula sa Latin na salitang mamma, "dibdib". Nakaayos ang mga glandulang mamarya sa mga organo tulad ng suso sa primates (halimbawa, mga tao at tsimpanse), ang ubre sa mga ruminante (halimbawa, mga baka, kambing, tupa, at usa), at ang mga utong sa ibang hayop (tulad ng aso at pusa). Maaring mangyari ang laktorreya, ang paminsan-minsang produksyon ng gatas sa kahit anumang hayop, subalit sa karamihan ng mga mamalya, ang laktasyon, ang produksyon ng sapat na gatas para sa pag-iwi o pagpapasuso, ay nangyayari lamang sa penotipikong babae na nagbuntis sa kamakailang mga buwan o taon. Diniderekta ito sa pamamagitan ng gabay hormonal mula sa mga esteroydong seksuwal. Sa ilang mga espesyeng mamalya, nangyayari ang laktasyong panlalaki. Sa mga tao, nangyayari lamang ang laktasyong panlalaki sa ilalim ng partikular na mga kalagayan.
Glandulang mamarya | |
---|---|
Mga detalye | |
Tagapagpauna | Mesoderm (blood vessels and connective tissue) Ectoderm[3] (cellular elements) |
Internal thoracic artery Lateral thoracic artery[1] | |
Internal thoracic vein Axillary vein[1] | |
Supraclavicular nerves Intercostal nerves[2] (lateral and medial branches) | |
Pectoral axillary lymph nodes[1] | |
Mga pagkakakilanlan | |
Anatomiya ni Gray | p.1267 |
TA | A16.0.02.006 |
FMA | 60088 |
Kayarian
baguhinAng pangunahing bahagi ng ganap nang glandulang mamarya ay ang albeyolo (may guwang na mga kabidad, may ilang milimetro ang laki), na nakalinya sa pagpapalabas ng gatas na selulang kubika at napapaligiran ng mga selulang miyoepiteliyal. Sumasama ang mga albeyolo na ito upang buuin ang mga grupo na kilala bilang mga lobulo. Mayroon ang bawat lobulo ng isang tubong laktipero na tumutulo sa mga bukasan ng utong. Nangungulubot ang mga selulang miyoepiteliyal sa ilalim ng estimulo ng oksitosina, na pinapalabas ang gatas na kinatas ng mga yunit albeyolo sa lumeng lobulo tungo sa utong. Habang sumususo ang isang sanggol, sumunod ang pamamagitan ng oksitosina na "di-kinusang galaw na pagpapababa", at ang gatas ng ina ay dumaloy — hindi sinuso — mula sa glandula sa bunganga ng sanggol.[4]
Lahat ng tisyu na nagpapadaloy ng gatas na pumupunta sa nag-iisang tubong laktipero ay kolektibong tinatawag na isang "simpleng glandulang mamarya"; sa isang "komplikadong glandulang mamarya", lahat ng mga simpleng glandulang mamarya ay nagsisilbing isang utong. Karaniwang may dalawang komplikadong glandulang mamarya ang mga tao, isa sa bawat dibdib, at binubuo ng bawat komplikadong glandulang mamarya ng 10–20 simpleng glandula. Ang bukasan ng bawat simpleng glandula sa ibabaw ng utong ay tinatawag na isang "poro."[5]
Nangangailangan ang tamang polarisasyon morpolohiya ng tubong laktiperong puno ng isa pang mahalagang bahagi – mga selulang mamaryang epiteliyal na extracellular matrix (ECM) na, kasama ng mga adiposito, pibroblasto, mga selulang inplamatoryo, at iba pa, ay binubuo ng estromang mamarya.[6]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 1.2 Macéa, José Rafael; Fregnani, José Humberto Tavares Guerreiro (1 Disyembre 2006). "Anatomy of the Thoracic Wall, Axilla and Breast" (PDF). International Journal of Morphology. 24 (4). doi:10.4067/S0717-95022006000500030.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Lawrence, Ruth A.; Lawrence, Robert M. (2010-09-30). Breastfeeding: A Guide for the Medical Profession (ika-7th (na) edisyon). Maryland Heights, Maryland: Mosby/Elsevier. p. 54. ISBN 9781437735901.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Gray, Henry (1918). Anatomy of the Human Body.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Newton, Michael; Newton, Niles Rumely (Disyembre 1948). "The let-down reflex in human lactation". The Journal of Pediatrics (sa wikang Ingles). 33 (6): 698–704. doi:10.1016/S0022-3476(48)80075-2. PMID 18101061.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Zucca-Matthes, Gustavo; Urban, Cícero; Vallejo, André (Pebrero 2016). "Anatomy of the nipple and breast ducts". Gland Surgery (sa wikang Ingles). 5 (1): 32–36. doi:10.3978/j.issn.2227-684X.2015.05.10. ISSN 2227-684X. PMC 4716863. PMID 26855906.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Watson, C. J.; Khaled, W. T. (2008). "Mammary development in the embryo and adult: A journey of morphogenesis and commitment". Development (sa wikang Ingles). 135 (6): 995–1003. doi:10.1242/dev.005439. PMID 18296651. S2CID 9089976.
{{cite journal}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)