Mamona
- Tungkol ito sa salitang galing sa Bibliya. Para sa pagkain, pumunta sa Mamon.
Ang mammon o mammona[1] ay isang salitang hinango mula sa Bagong Tipan ng Bibliyang Kristiyano at Talmud[2] ng Hudaismo, na ginamit upang mailarawan ang salapi, kayamanan o, sa partikular, bilang kayamanang materyal, o kaya kasakiman, na kadalasang kinakatawan ng isang diyos o kadiyosang sinasamba ng masasamang mga tao.[3] Isa itong transilerasyon ng salitang Hebreong mammon o מָמוֹן na nangangahulugang "salapi" o "pera".
Katumbas ito ng mga salitang kayamuan, abarisya, pagkagahaman, kahidhiran, ugaling-buwaya, pagkaganid, at pagkamapagkamkam.[3]
Nagmula ang salitang ito sa salita o katagang Arameong mamona o mammona, na may ibig sabihing "mga kayamanan", "mga yaman", o "salapi".[1] Matatagpuan ito sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 6:24) at Ebanghelyo ni Lukas (Lukas 16:9, Lukas: 16:11, at Lukas: 16:13) sa Bagong Tipan ng Bibliya, na may katuturang "mga kayamanang pinaglaanan ng napakalaking pagpapahalaga".[2]
Mga sanggunian
baguhin- ↑ 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Mammona, kayamanan o salapi". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1439. - ↑ 2.0 2.1 "Mammon". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 571. - ↑ 3.0 3.1 Gaboy, Luciano L. Mammon - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.