Pamamahala

pag-uugnay ng mga yamang tao
(Idinirekta mula sa Management)

Ang pamamahala o pangangasiwa[1] sa lahat ng mga gawaing pangnegosyo at mga samahan o organisasyong pangtao ay ang payak na kilos o galaw ng pagtitipon ng mga tao upang maisakatuparan ang mga layunin at adhikaing ninanais. Binubuo ang pamamahala ng pagpaplano, pagoorganisa o pagsasaayos, pamumuno, o pagbibigay ng diresiyon (pagdidirihe), at pagtaban (pagkontrol) sa isang organisasyon (isang pangkat ng isa o mahigit pang mga tao o entidad) o pagsisikap para sa layuning matupad ang isang pakay. Tumutukoy ang pangasiwaan sa tao o mga taong nagsasagawa o nagsasakatuparan ng pamamahala, katulad ng isang pamahalaan o gobyerno.

Kabilang sa pagpupuno, resourcing sa Ingles, ang pagtatalaga, pagpapadala, at manipulasyon (paglilipat at paglalagay o paglalagak) ng mga tauhan (human resources), mapagkukunan o pampunong panggugol o pondo (financial resources), mga pinanggagalingang teknolohikal (technological resources), at likas na yaman.

Sa mga kumikitang organisayon, ang pangunahing tungkulin ng pamamahala ay ang kasiyahan ng mga stakeholders. Ang mga kariniwang nasasangkot ay ang pagtutubo (para sa mga shareholders), pagagawa ng mga mabuting produkto na tama ang gastos (para sa mga namimili), at ang pagbibigay ng maganda na oportunidad para sa mga empleyado. Sa pamamahala ng organisayson na hindi pangkalakal, importante rin ang tiwala ng mga donor. Sa karamihan ng mga modelo ng pamamahala, ang mga shareholders ay bumobota para sa board of directors at sila ay uupa ng pamamahala para sa empleyedo nila. Ang ilang mga organisayon ay nag eeksperimento ng ibang mga paraan (katulad ng modelo kung saan bumoboto ang mga empleyado) ng pagpili ng mga tagapamahala, pero bihira ito.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. Blake, Matthew (2008). "Management, pamamahala, pangangasiwa". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), makikita sa Management Naka-arkibo 2012-12-09 sa Wayback Machine..

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Negosyo ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.