Pananalapi (disiplina)

(Idinirekta mula sa Panggugol)

Ang pananalapi (Kastila at Italyano: finanza, Pranses at Ingles: finance, Aleman: Finanz, Olandes: financiën) ay ang kung paano pinag-aaralan ng mga tao at sinusuri kung paano nagkakamit at gumagamit ng salapi o pera ang mga tao, mga negosyo, at mga pangkat. Tinatawag din itong pamimilak[1] (mula sa salitang pilak, pinansiya, panustos, panggugol [mula sa salitang gugol, tulad ng pondo]), at pamuhunan (mula sa salitang puhunan o kapital).[2] Maaari itong mangahulugan ng mga sumusunod:

  • Pag-iisip ng tungkol sa salapi
  • Pag-iisip ng kung paano makukontrol ang pera upang kumita
  • Pag-aaral kung paano makakuha ng mga pagkakataon sa mga proyektong kumikita ng salapi
  • Bilang isang pandiwa, "ang manalapi" ay ang kumita ng pera para sa negosyo
  • Salaping-bayan[1]

Sa kalagitnaan ng ika-20 dantaon, lumitaw ang pananalapi bilang isang naiibang disiplinang akademiko, na hiwalay sa ekonomika.[3] (Nagsimula ang unang diyornal akademiko, ang The Journal of Finance, na maglathala noong 1946.) Naitatag ang pinakamaagang mga programang doktoral noong dekada 1960 at dekada 1970.[4] Malawak na pinag-aaralan din ang pananalapi sa pamamagitan ng mga programang undergraduweyt at master na antas na nakatuon sa karera.[5][6]

Sistemang pampananalapi

baguhin

Ang sistemang pampananalapi o sistemang pinansiyal ay isang sistemang nagpapahintulot sa paglipat ng salapi sa pagitan ng tagapag-impok (at nang mga namumuhunan) at nang mga nangungutang.[7] Maaaring patakbuhin ang sistemang pampananalapi sa antas na pandaigdigan, pang-rehiyunal o pang-kompanya.

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Blake, Matthew (2008). "Finance, salaping bayan, pamimilak". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Finance, pinansiya, panustos, pamuhunanan, pag-gugulan - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  3. Hayes, Adam. "Finance". Investopedia (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 2020-12-19. Nakuha noong 2022-08-03.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Gippel, Jennifer K (2012-11-07). "A revolution in finance?". Australian Journal of Management (sa wikang Ingles). 38 (1): 125–146. doi:10.1177/0312896212461034. ISSN 0312-8962. S2CID 154759424. Inarkibo mula sa orihinal noong 2022-08-04. Nakuha noong 2022-08-04.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Finance" Naka-arkibo 2023-01-31 sa Wayback Machine., Gabay Aralin ng UCAS. (sa Ingles)
  6. Anthony P. Carnevale, Ban Cheah, Andrew R. Hanson (2015). "The Economic Value of College Majors" Naka-arkibo 2022-11-08 sa Wayback Machine.. Georgetown University. (sa Ingles)
  7. Sullivan, Arthur; Steven M. Sheffrin (2003). Economics: Principles in action (sa wikang Ingles). Upper Saddle River, New Jersey 07458: Prentice Hall. p. 551. ISBN 0-13-063085-3. Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-12-20. Nakuha noong 2021-02-26.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: location (link)