Pamumuhunan

(Idinirekta mula sa Pamuhunanan)

Ang pamumuhunan ay oras, enerhiya, o bagay na iginastos sa pagnanais na ito’y magbunga ng mga benepisyo sa loob ng isang nakatakdang oras sa hinaharap. Ang puhunan ay may magkaibang kahulugan sa pananalapi at sa ekonomika.

Sa pananalapi, ang puhunan ay ang pagbili ng isang bagay na may halaga upang ito'y magbunga ng kita o tumaas pa ang halaga sa hinaharap at maaaring ipagbili sa mas mataas na presyo. Ang pagdeposito sa bangko o sa ibang magkatulad na institusyon ay karaniwang hindi tinatanggap bilang puhunan. Ang terminong ito ay kadalasang ginagamit upang tumukoy sa isang pangmatagalang layunin. Kasalungat nito ang pagkalakal o pag-espekula, kung saan ito’y pangmaikling panahon lamang at mayroong mas mataas na panganib. Maraming anyo ang puhanan mula sa ligtas ngunit may mababang kitang government bonds hanggang sa mapanganib ngunit may mataas na kitang international stocks. Ang isang mahusay na paraang pamumuhunan ay ang paghihiwalay ng portfolio ayon sa mga pangangailangan.

Si Warren Buffett ay ang pinakakilala at pinakamatagumpay na mamumuhunan sa kasaysayan. Sa isyu ng magasin ng Forbes noong Marso 2013, siya ay pumangalawa sa talaan ng Forbes 400. Si Buffet ay nagpayo sa maraming artikulo at panayam na ang isang mahusay na pamumuhunan ay pangmatagalan at ang pagpili ng tamang bagay na pagpupuhunan ay nangangailangan ng tiyaga. Si Edward O. Thorp, isang matagumpay na hedge fund manager noong 1970s at 1980s, ay may magkatulad na pananaw din gaya kay Buffet. Isa pang pagkakatulad ng dalawa ay ang magkaparehong pananaw nila sa paghawak ng kita o pera mula sa kanilang puhunan. Kahit gaano pa katagumpay ang unang pagpupuhunan, kung hindi naman tama ang paraan ng pamamahala ng pera, ang buong potensyal ng puhunan ay hindi makakamit.

Tingnan din

baguhin