Ang mandragora (Ingles: mandrake) ay ang pangkaraniwang ngalan para sa mga miyembro ng mga halamang nasa saring Mandragora at kabilang sa pamilyang Solanaceae. Katutubo ang mandragora sa lugar ng Mediteraneo at silangang Asya.[1]

Mandragora
Mandragora officinarum
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Solanales
Pamilya: Solanaceae
Subpamilya: Solanoideae
Sari: Mandragora
L.
Mga uri

Mandragora autumnalis
Mandragora officinarum
Mandragora turcomanica
Mandragora caulescens

May angking mga bulaklak na parang mga kampana ang mandragora. Mayroon din itong malalaking mga dahon, at makapal na ugat.[1]

Dating pinaniniwalaang mayroong mga katangiang mahiwaga o masalamangka ang mandragora. Ginagamit na sangkap sa ilang mga gamot ang ugat nito.[1] Tinatawag ding "mandragora" ang podopil o "Mansanas ng Mayo", isang halaman sa Hilagang Amerika.[1] Ayon sa Tanakh at sa Bibliya, ginagamit ang mandragorang may dilaw na bunga at kawangis ng mansanas bilang pantulong sa mga naglilihi.[2] Gayundin, ang mandragora ay itinuring din na isang halamang nakakapukaw sa damdaming mahalay ng isang tao.[2]

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 "Mandrake". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 571.
  2. 2.0 2.1 Abriol, Jose C. (2000). "Mandragora". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 51 at 998.
Tingnan ang katumbas na artikulo sa Wikipediang Ingles para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.