Ang mangga (Ingles: mango) ay kabilang sa genus Mangifera, na binubuo ng ilang mga uri na namumungang puno sa namumulaklak na halaman ng pamilya ng Anacardiaceae. Likas ang mangga sa subkontinente ng Indiyan lalo na sa Indiya, Pakistan, Bangladesh, at Timog-silangang Asya.[1] Napakaraming klase at karaniwang kulay ang prutas nito: may dilaw, luntian o pula. Kakaiba ang amoy na aromatikong ng prutas nito na maaaring gamitin sa iba't-ibang sangkap o pabango. Prinipriserba rin ang mangga at ginagawang panghimagas o pansangkap sa iba't ibang pagkain.

Mangga
Hilaw na Itim na Mangga
Klasipikasyong pang-agham e
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Rosids
Orden: Sapindales
Pamilya: Anacardiaceae
Subpamilya: Anacardioideae
Sari: Mangifera
L.
Uri

Higit 50 uri; tingnan ang tala

Mga bulaklak ng puno ng mangga.

May iba't ibang uri ng mangga: may manggang indiyano, kinalabaw, piko o manggang mansanas. Tumutubo ang mangga sa mga bansang tropikal ngunit maaari ring tumubo ito sa mga lugar na malamig katulad ng Amerika. Umaabot ang taas ng mangga mula 50 hanggang 80 talampakan, inaalagaan ang puno ng mangga sa pamamagitan ng pagbuga ng mga gamot laban sa insekto. Sa Pilipinas, partikular sa Zambales at Guimaras, niluluwas ito palabas ng bansa para pagkakitaan.

Isang puno ng mangga na hitik sa bulaklak sa Kerala, India

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Mango: botany and taxonomy, HorticultureWorld". Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-01-29. Nakuha noong 2009-04-16.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Prutas ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.