Mandadangkal

(Idinirekta mula sa Mantodea)

Ang mandadangkal, mandarangkal, sasamba, o samba-samba (Ingles: mantis, praying mantis)[1][2][3] ay isang uri ng kulisap na gumagamit ng kanyang dalawang mahahabang kamay sa unahan para atakihin ang kalaban o sa pamamagitan ng paninila. Nangingitlog ang babaeng mandadangkal ng humigit sa 300 mga itlog. Hindi gaanong makalipad ang babaeng mandadangkal dahil sa dala-dala niyang mga itlog na nasa loob ng sa kanyang tiyan. Karamihan sa mga insektong ito ang mas gustong manatili at manirahan sa mga tropikal na lugar. Mayroong 1,700 klase ng mga mandadangkal.

Mantodea
Klasipikasyong pang-agham e
Dominyo: Eukaryota
Kaharian: Animalia
Kalapian: Arthropoda
Hati: Insecta
Superorden: Dictyoptera
Orden: Mantodea
Burmeister, 1838
Mga pamilya

Chaeteessidae
Metallyticidae
Mantoididae
Amorphoscelididae
Eremiaphilidae
Hymenopodidae
Liturgusidae
Mantidae
Empusidae

Tungkol ito sa isang kulisap, para sa gawaing sumasamba, tingnan ang Pagsamba. Tingnan din ang Samba (paglilinaw).

Karaniwang itong tinatawag na praying mantis sa Ingles, o "nananalanging mandadangkal" (sasamba o samba-samba), dahil sa paraan ng pagtikas nito ng kanyang pangharap na mga binti upang hawakan ang kanyang sinilang pagkaing kulisap. Mayroon itong haba na 3 mga pulgada, at may katawang mahaba, balingkinitan, at kulay lunti o kayumanggi. Mayroon din itong pata na paang panlakad, dalawang paang pangharapan, at matitibay na mga pakpak. Matatagpuan ito sa Europa, Asya, at Estados Unidos. Nakakatulong ito sa tao sapagkat kinakain nito ang nakakapinsalang mga kulisap.[3]

Pakikipagtalik

baguhin

Isang katangian ng babaeng mandadangkal ang kainin ang lalaking mandadangkal pagkatapos makipagtalik dito. Kinakagat ng mandadangkal ang leeg ng kanilang biktima para ito maparalisa muna.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Gaboy, Luciano L. Praying mantis, mandadangkal - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. English, Leo James (1977). "Sasamba, samba-samba, praying mantis". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 1203.
  3. 3.0 3.1 "Mantis, praying mantis". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa M, pahina 573.

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kulisap ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.