Ang kimikang mapanuri, kimikang pasuri, kimikang analitiko, o kimikang analitikal ay isang sangay ng kimika na sumusubok na suriin ang mga kimikal ng iba't ibang mga bagay. Isang halimbawa ng gawain sa kimikang mapanuri ay ang pagsubok kung gaano kadami ang sink sa isang piraso ng tansong dilaw. May iba't ibang kasangkapan ginagamit rito, katulad ng kromatograpiyang ginagamit ng mga kimikong mapanuri. Maaaring gamitin ang mga pagsubok ng dingas para sa isang payak na pagsusuri.

Sa mas masinsing paglalarawan, ang kimikang mapanuri ay ang pag-aaral ng paghihiwalay, pagkilala o identipikasyon, at kuwantipikasyon ng mga bahaging kimikal ng likas at artipisyal (hindi likas) na mga materyal.[1] Ang kuwalitatibong analisis o pagsusuring pangkalidad ay nagbibigay ng indikasyon o hiwatig ng pagkakakilanlan o identidad ng mga uring kimikal sa isang halimbawa, habang ang kuwantitatibong analisis o pagususuring pangdami ay umaalam sa bilang ng isa o mahigit pa ng mga bahaging ito. Ang paghihiwalay ng mga bahagi o kumponente ay kadalasang isinasagawa bago mangyari ang pagsusuri.

Ang mga paraan ng pagsusuri o mga metodong analitikal ay mapaghihiwalay bilang klasikal at instrumental.[2] Ang mga metodong klasikal o paraang klasiko, na kilala rin bilang mga paraan ng kimikang basa, ay gumagamit ng mga paghihiwalay na katulad ng presipitasyon, ekstraksiyon, at distilasyon, pati na ang kuwantitatibong analisis na ayon sa kulay, amoy, o punto ng pagkatunaw. Nakakamit ang kuwantitatibong analisis sa pamamagitan ng timbang o bolyum. Samantala, ang mga paraang instrumental naman ay gumagamit ng mga aparato upang sukatin ang pisikal na kantidad o dami ng analito (analyte sa Ingles) katulad ng pagsipsip o absorpsiyon ng liwanag, ploresensiya, o konduktibidad na elektrikal. Ang paghihiwalay o separasyon ng mga materyal ay naisasagawa sa pamamagitan ng paggamit ng mga paraang may kromatograpiya o elektroporesis.

Nakatuon din ang kimikang mapanuri sa mga pagpapainam sa disenyong eksperimental, kemometriks, at sa paglikha ng bagong mga kasangkapang panukat upang makapagbigay ng mas mainam na kabatirang kimikal. Nagagamit ang kimikang mapanuri sa porensiks, biyoanalisis, kimikang klinikal (pagsusuring klinikal), at pagsusuri ng mga materyal.

Mga sanggunian

baguhin
  1. Holler, F. James; Skoog, Douglas A.; West, Donald M. (1996). Fundamentals of analytical chemistry. Philadelphia: Saunders College Pub. ISBN 0-03-005938-0.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)
  2. Nieman, Timothy A.; Skoog, Douglas A.; Holler, F. James (1998). Principles of instrumental analysis. Pacific Grove, CA: Brooks/Cole. ISBN 0-03-002078-6.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Kimika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.