Agham na porensiko

(Idinirekta mula sa Porensiks)

Ang agham na porensiko o agham pamporensiko (Ingles: forensic science, forensics; Espanyol: forense), kadalasang pinaiiksi bilang porensiko o porensiks, ay ang paggamit o aplikasyon ng malawak na saklaw ng mga agham upang masagot ang mga katanungang may kapakinabangan sa isang sistemang legal. Maaaring may kaugnayan ito sa isang krimen o isang aksiyong sibil. Bukod sa kahalagahan nito sa sistemang legal, sumasaklaw ang porensiks sa tanggap na madalubhasa o makaagham na metodolohiya at mga pamantayan na sa ilalim nito ay pinatototohanan ang pagiging kaso ng mga katotohang nauukol sa isang kaganapan, artipakto, ilang mga bagay na pisikal (katulad ng bangkay). Kung gayon, ang diwa nito ay kaugnay sa nosyon ng awtentikasyon, kung saan ang umiiral ang pagtuong nasa labas ng isang pormang legal para sa pagtukoy kung ang isang bagay ay siya ngang katuturan o katangian, o pinaparatangan bilang gayon nga.

Lugar ng krimen.

Nagmula ang salitang porensik buhat sa pang-uring Latin na forensis, na may kahulugang "ng o sa harap ng poro". Noong kapanahunan ng mga Romano, ang isang pagsasakdal na kriminal ay may ibig sabihing paghaharap ng kaso sa harap ng isang pangkat ng mga publikong indibidwal na nasa loob ng poro o porum. Kapwa ang taong pinararatangan ng krimen at ang mambibintang ay magbibigay ng mga pananalita batay sa kanilang gawi ng kuwento. Ang taong may pinakamahusay na argumento at pagsasaad ang siyang makapagtutukoy ng kalalabasan ng kaso. Ang pinagmulang ito ang napagkunan ng dalawang makabagong paggamit ng salitang porensiko - bilang isang anyo ng ebidensiyang legal at bilang isang kategorya o kaurian ng presentasyon sa madla.

Sa modernong paggamit, ang salitang porensiks bilang kapalit ng agham pamporensiko ay maituturing bilang hindi tama dahil matibay na isang sinonimo ang "porensiko" para sa "legal" o "kaugnay ng mga korte o hukuman". Subalit ang kataga ay kasalukuyang napakalapit nang may kaugnayan sa pang-agham na larangan kaya't maraming mga talahuluganan ang nagsasama ng kahulugan na nagtutumbas sa "porensiks" bilang "agham pamporensiko".

Tingnan din

baguhin


  Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.