Mareco Broadcasting Network

Ang Mareco Broadcasting Network, Inc. ay isang kumpanyang pagsasahimpapawid na pinag-aarian ng pamilya Villar. Nakabase ang pangalang ito sa Mabuhay Records Corporation bilang pangunahing kumpanya nito na nagmamay-ari din ng Villar Records at Mabuhay Records.[1] Ang tanggapan nito ay matatagpuan sa #6 Tirad Pass Street, Sta. Mesa Heights, Lungsod Quezon. Bukod sa mga himpilang pinag-aarian nito, nagbibigay din ang Mareco ng pagkonsulta ukol sa pamamahala para sa iba't ibang kumpanya ng radyo sa bansa.[2][3][4][5]

Mareco Broadcasting Network, Inc. (MBNI)
UriPrivate
IndustriyaBroadcast media
Itinatag1963
Punong-tanggapanLungsod Quezon
Pangunahing tauhan
Louie R. Villar, Jr. (Presidente)
Saripaz Villar-Tan (EVP)
Elaine Rojas Villar-Rivilla (VP-Finance)
Engr. Eleuterio "Terry" G. Bondoc (VP-Engineering)
MagulangMareco, Inc. (L.R. Villar Group of Companies)

Kasaysayan

baguhin

Itinatag ang Mareco Broadcasting Network, Inc. ng pamilya ni Manuel P. Villar Sr. noong 1963[6][7] sa pamamagitan ng dalawang himpilan sa AM: DZBM 740 kHz at DZLM 1430 kHz.[8][9] Ang grupo ay nakakuha ng isang FM na istasyon ng radyo noong 1971. Sa deklarasyon ng Batas Militar noong 1972, isang decree ang inilabas na nag-uutos sa isang broadcast company na magpatakbo ng AM at FM station sa bawat lugar. Dahil diyan, nanatili ang DZBM sa AM[10][11] habang lumipat ang DZLM sa FM, sa pamamagitan ng 105.1 MHz na may call letters na DWLM.[9]

Sa kalaunan, itinigil ay nakatuon ang pamilya sa mga pagpapatakbo ng broadcast nang huminto sila sa pagre-record ng negosyo noong huling bahagi ng 1970s.[12] Noong Nobyembre 1978, lumipat ang talapihitan ng DZBM sa 774 kHz.[10]

Noong gitnang bahagi ng dekada 80, nagpalit ang call letters ng DWBM-FM at DWOO-AM sa DWLM-FM at DZBM-AM, ayon sa pagkakabanggit.[13]

Noong Mayo 1993, muling inilunsad ng MBNI ang DWOO-AM bilang himpilang pangbalita.[13][14][15]

Noong 1994, napunta sa anak ni Luis Villar na si Louie ang DWBM-FM na naging Crossover. Smooth AC ang format ng himpilang ito na nagpapatugtog ng halong Smooth jazz, Latin at R&B.[12][16] Samantala, napunta sa pamilya Palma ang DWOO-AM na naging DWAT-AM at kalaunan pimahalaha ito ng negosyanteng si Lucio Tan. Ito ang naging simuno ng pagsampa ng pamilya Villar ng kaso sa korte laban kay Tan.[17] Sa katapusan, binili ng Interactive Broadcast Media na pinag-arian ng pamilya Palma ang himpilang yan at muli yang itinatag noong Oktubre 1996 bilang DWWW 774.[17][18][19]

Noong huling bahagi ng dekada 90, pinalawig ang Crossover sa apat na karagdagang himpilan sa iba't ibang bahagi ng bansa.[16]

Noong Disyembre 30, 2019, kinuha ng Horizon of the Sun Communications (produser ng Chinatown TV at Chinese News TV sa IBC 13) ang operasyon ng mga himpilan nito. Noong Enero 13, 2020, itinatag ang DWBM-FM bilang Q Radio. Samantala, sumunod ang mga himpilan nito sa noong Nobyembre 16, 2020. Samantala, lumipat ang Crossover sa online. Kasalukuyan ito sumasahimpapawid sa pamamagitan ng live streaming sa mobile application nito sa iOS at Android.[20][21]

Noong Hulyo 1, 2023, namaalam sa ere ang Q Radio dahil sa mga problemang pinansyal. Ilang araw bago nito, nagkaroon ng Brigada Mass Media Corporation at Mareco ng kasunduan, kung saan nasa pamamahala ng Brigada ang mga himpilan nito, maliban sa himpilan nila sa Bacolod, kung saan nasa pamamahala ito ng RYU Group of Companies.[22][23][24]

Mga Himpilan

baguhin
Branding Callsign Frequency Power (kW) Location Operator
Brigada News FM Manila DWBM-FM 105.1 MHz 25 kW Kalakhang Maynila Brigada Mass Media Corporation
DZBM-FM 10 kW Baguio
Brigada News FM Cebu DYAC-FM 90.7 MHz 20 kW Lungsod ng Cebu
Brigada News FM Davao DXAC-FM 93.1 MHz 10 kW Lungsod ng Davao
Yuhum Radio DYBM-FM 99.1 MHz 5 kW Bacolod RYU Group of Companies

Mga Dating Himpilan

baguhin
Radyo
Callsign Frequency Location Notes
DWAT 774 kHz Metro Manila Binili ng Interactive Broadcast Media noong 1996. Kasalukuyang nagsasahimpapawid bilang DWWW.
Telebisyon
Callsign Ch. # Location Fate
DWBM-TV TV-43 Metro Manila Binili ng AMCARA Broadcasting Network and kalaunang ginamit ng ABS-CBN para sa DTT broadcast hanggang Junyo 30, 2020. Ginamit din ito ng by Sonshine Media Network International para sa DTT mula Enero 5, 2022 until its demise on Disyembre 19, 2023.
DYBM-TV TV-45 Cebu

Mga sanggunian

baguhin
  1. Caliwara, Karen (Nobyembre 12, 2021). "Vic del Rosario: The boss behind VIVA, trailblazing powerhouse entertainment company". Philippine Entertainment Portal. Nakuha noong Hulyo 7, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Republic Act No. 8108
  3. House Bill No. 8119
  4. KBP Members
  5. Duterte OKs franchise renewals of three broadcasting companies
  6. Samonte, Danee (Setyembre 13, 2018). "Rene Garcia: The final Hotdog". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  7. Record of the Batasan. Philippines: Batasang Pambansa. 1985. p. 957. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. "From the Music Capitals of the World: Manila". Billboard. Agosto 10, 1968. p. 50. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  9. 9.0 9.1 National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Authority (1978). Philippine Yearbook 1978. Manila: Government of the Philippines. p. 766. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  10. 10.0 10.1 National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Authority (1979). Philippine Yearbook 1979. Manila: Government of the Philippines. pp. 811, 818. Nakuha noong Hulyo 4, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)National Economic and Development Authority; National Census and Statistics Authority (1979). Philippine Yearbook 1979. Manila: Government of the Philippines. pp. 811, 818. Retrieved July 4, 2023 – via Google Books.
  11. The Philippines, a Country Profile. Washington, D.C.: U.S. Department of State. Agosto 1979. p. 110. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  12. 12.0 12.1 Sicam, Edmund (Setyembre 30, 2000). "Meet Louie Villar, the man behind radio's Crossover stations". Philippine Daily Inquirer. p. E2. Nakuha noong Hulyo 1, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)Sicam, Edmund (September 30, 2000). "Meet Louie Villar, the man behind radio's Crossover stations". Philippine Daily Inquirer. p. E2. Retrieved July 1, 2023 – via Google Books.
  13. 13.0 13.1 "Mareco launches station DWOO". Manila Standard. Mayo 24, 1993. p. 6. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)"Mareco launches station DWOO". Manila Standard. May 24, 1993. p. 6. Retrieved July 2, 2023 – via Google Books.
  14. "Mareco launches DWOO 774 AM". Manila Standard. Mayo 20, 1993. p. 29. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  15. "CNN on Citylite and Mareco". Manila Standard. Enero 9, 1993. p. 18. Nakuha noong Hulyo 2, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  16. 16.0 16.1 Esguerra, Tinnie (Disyembre 21, 2000). "Defining the Crossover Sound". The Philippine Star. Nakuha noong Hulyo 2, 2023.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  17. 17.0 17.1 Singh, Tara (Oktubre 30, 1996). "Vantage Point: Lucio Tan and the so-called 'Judas-ciary'". Manila Standard. p. 11. Nakuha noong Hulyo 3, 2023 – sa pamamagitan ni/ng Google Books.{{cite news}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  18. "DWWW 774". Media Ownership Monitor. Reporters Without Borders. 2016. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  19. "Interactive Broadcast Media Inc". Media Ownership Monitor. Reporters Without Borders. 2017. Nakuha noong Hulyo 4, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  20. "CROSSOVER 105.1 Manila". Apple App Store. Nakuha noong Enero 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  21. "CROSSOVER 105.1 Manila". Google Play. Nakuha noong Enero 28, 2020.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  22. "Louella Hazeline Chan in Q Radio Qlassmates". Telegram. Hunyo 1, 2023. Nakuha noong Hunyo 21, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  23. Q Radio 105.1 (Hunyo 19, 2023). "To all of our amazing Qties, After a fulfilling 3-year run, filled with several viral online campaigns and exciting on-air gimmicks, it is with a heavy heart that we announce that Q Radio will be permanently signing off nationwide effective July 1, 2023". Facebook. Nakuha noong Hunyo 21, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  24. Brigada News FM (Hunyo 27, 2023). "Konting tulog na lang mga Ka-Brigada! Mas pinalakas, mas pinalawak, at mas pinaganda! Ang No. 1 sa mga probinsiya sa Luzon, Visayas, at Mindanao - mapakikinggan na sa Metro at Mega Manila!". Facebook. Nakuha noong Hunyo 27, 2023.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)