Maria Callas
Si Maria Callas (2 Disyembre 1923 – 16 Setyembre 1977), na ipinanganak bilang Anna Maria Sofia Cecilia Kalogeropoulou, na nakasulat sa Griyego bilang Μαρία Άννα Σοφία Καικιλία Καλογεροπούλου, ay isang sopranong Amerikana na may lahing Griyego. Siya ang isa sa pinakatanyag at pinaka makontrobersiyang mga mang-aawit sa opera noong ika-20 daantaon. Mayroon siya ng isang napakanamumukod-tanging tinig na may malawak na saklaw at kapangyarihan. Isa siyang manganganta na mayroong malaking kaigtingan na dramatiko. Binansagan siya ng kaniyang mga tagahanga bilang La Divina ("Ang Isang Banal"). Pangunahin siyang may kaugnayan sa repertoryong Italyano, partikular na sa Norma ni Vincenzo Bellini, sa Lucia di Lammermoor ni Donizetti, sa La traviata ni Verdi, at sa Tosca ni Puccini.
Buhay at larangan
baguhinSi Callas ay ipinanganak sa Lungsod ng New York sa mga magulang nga Griyego. Nagbalik siya sa Gresya noong 1937, na kapiling ang kaniyang ina at ang nakatatandang kapatid na babae. Sa Gresya, nag-aral siya ng pag-awit sa piling ni Elvira de Hidalgo. Nagdebut siya sa pag-awit habang siya ay nasa kaniyang kabataan sa piling ng Opera ng Atenas noong 1939.
Habang nasa maiksi niyang pagbabalik sa Amerika upang dalawin ang kaniyang ama noong 1945, nagpaawdisyon siya sa Metropolitan Opera na walang pagtatagumpay. Ang unang niyang malaking pananagumpay sa larangan ng pag-awit ay dumating sa kaniyang pagdedebut sa karera sa Verona, Italya noong 1947, bilang La Gioconda. Sa Italya, nakatagpo niya ang konduktor na si Tullio Serafin na naging tagapagturo niya at gabay sa repertoryo ng bel canto. Inawit niya ang kaniyang unang Norma sa Florence noong 1948, at noong sumunod na tayon, bilang panghuling panghalili, ay lumitaw siya bilang si Elvira sa I puritani ni Bellini sa Venice, na siyang naging una niyang malaking tagumpay.
Noong 1949, pinakasalan niya ang industriyalistang si Giovanni Battista Meneghini na naging tagapamahala niya sa larangan. Paminsan-minsan siyang nakikilala bilang si Maria Meneghini Callas pagkaraan ng kaniyang kasal.
Pagkaraan ng saglit na panahon, nagdebut siya sa La Scala sa Milan, kung saan naganap ang pangunahing bahagi ng kaniyang karera at malalaking mga pananagumpay. Sa pakikipagtulungan sa mga konduktor na sina Carlo Maria Giulini, Leonard Bernstein, Gianandrea Gavazzeni, at mga direktor na katulad nina Franco Zeffirelli at Luchino Visconti, nilikha para sa kaniya ang mga produksiyong katulad ng Medea ni Cherubini, ng La Vestaleni Spontini, ng La sonnambula at ng Norma ni Bellini at ng Anna Bolena at ng Poliuto ni Donizetti, at ng La traviata at ng Un ballo in maschera ni Verdi, na nagustuhan naman ng madla.
Lumitaw din siya bilang panauhing manggaganap sa Maharlikang Bahay-Opera ng Londres, sa Opera ng Estado ng Berlin, sa Paris Opéra, sa Operang Liriko ng Chicago, sa Opera ng Dallas, at sa Metropolitan Opera ng Lungsod ng New York.
Noong 1958, nakasalamuha niya ang Griyegong negosyante ng pagbabarko na si Aristotle Onassis na humantong sa kaniyang pakikipagdiborsiyo kay Meneghini, at dahan-dahang lumisan mula sa larangan ng pagtatanghal sa entablado. Ang huli niyang pagtatanghal ay sa Tosca sa Londres noong 1965. Ginawa niya ang kaniyang panghuling konsiyertong pandaigdigan mula 1973 hanggang 1974 na kapiling ang kaniyang katambal na tenor na si Giuseppe Di Stefano, kung kailan ang kaniyang tinig ay halos naglaho na.
Namatay si Callas dahil sa atake sa puso (imparksiyong miyokardiyal, pagbabara sa puso) sa Paris, Pransiya, habang nasa edad na 53.
Mga sanggunian
baguhin- The Complete Dictionary of Opera & Operetta, James Anderson, Wings Books, 1993.