Marie Antoinette
- Tungkol ito kay Maria Antonia na kilala rin bilang Marie Antoinette. Para sa ibang gamit, pumunta sa Maria Antonia (paglilinaw).
Si Reyna Maria Antonieta, o higit na kilala bilang Marie Antoinette, reynang konsorte ng Pransiya at Navarro, (2 Nobyembre 1755 - 16 Oktubre 1793) (Aleman: Maria Antonia Josepha Johanna von Habsburg-Lothringen; Pranses: Marie Antoinette Josèphe Jeanne de Habsbourg-Lorraine) ay isang Reyna ng Pransiya at Arkodukesa ng Austria. Anak siya ng Emperador ng Banal na Imperyong Romano na si Francisco I at ng asawa nitong si Maria Teresa; asawa ni Haring Luis XVI ng Pransiya; at ina ni Luis XVII ng Pransiya. Binitay siya sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo gamit ang gilotin noong Himagsikang Pranses at inihimlay kasama ng asawa niya sa Basilika ni San Dionisio sa Paris.
Marie Antoinette | |
---|---|
Reyna Konsorte ng Pransiya at Navarro | |
Paghahari | 10 Mayo 1774 – 21 Setyembre 1792 |
Pinaglibingan | Basilika ni San Dionisio, Pransiya (21 Enero 1815, sa panahon ng Restorasyong Borbon) |
Konsorte kay | Luis XVI ng Pranisya |
Supling | Prinsesa Maria-Teresa-Carlota Louis-Joseph, Delfin ng Pransiya Louis XVII ng Pransiya Prinsesa Sofia-Elena Béatriz |
Ama | Francisco I ng Banal na Imperyong Romano |
Ina | Maria Teresa ng Austria |
Sa gulang na labing-apat, ipinakasal si Maria Antonieta kay Louis–Auguste, ang Delfin ng Pransiya kung saan siya ay itinanghal bilang Dauphine de France (Delfina ng Pransiya). Noong mamatay ang biyenan niyang si Luis XV noong Mayo 1774, naging hari ng Pransiya ang kanyang asawa bilang Luis XVI at siya naman ang naging reyna ng Pransiya at Navarro. Makalipas ang pitong taon ng pagsasama, isinilang si Maria-Teresa-Carlota ng Pransiya, ang panganay sa kanilang apat na supling.
Noong Pamamayani ng Katatakutan, bago sumiklab ang Himagsikang Pranses, isinibak mula sa trono ang asawa ni Maria Antonieta at ang ipinakulong ang pamilyang maharlika. Nilitis si Maria Antonia, sinampahan ng kataksilan sa bansa at nahatulan ng pagpupugot gamit ang gilotin noong 16 Oktubre 1793, tulad ng paghatol at pagbitay sa kaniyang asawang si Luis siyam na buwan makaraan.
Kabataan
baguhinSi Maria Antonieta ang ika-labinlimang anak (ang pinakabatang anak na babae, ngunit mayroon siyang bunsong kapatid na lalaki) nina Francisco I at Maria Teresa. Ipinanganak siya sa Palasyong Imperyal ng Hofburg sa Vienna, Austria noong 2 Nobyembre 1755. Bininyagan ang sanggol sa ngalang Maria Antonia Josepha Johanna.
Pamilya
baguhinPamilya ni Maria Antonieta
baguhinLuis XVI ng Pransiya | Maria Antonieta | ||||||||||||||||||||||||||||||||
Reyna Konsorte ng Pransiya at Navarro Maria Teresa Carlota | Unang Dauphin Luis Jose, Delfin ng Pransiya | Luis Carlos | Maria Sofia Beatriz Elena | ||||||||||||||||||||||||||||||