Marie Curie
Si Marie Skłodowska-Curie (ipinanganak bilang si Maria Salomea Skłodowska, 7 Nobyembre 1867 – 4 Hulyo 1934) ay isang kimiko na kilala para sa kaniyang pagsasaliksik na naging batayan ng radyoaktibidad at ng larangan ng radyolohiya. Siya ang unang babaeng nakatanggap ng Gantimpalang Nobel—sa kimika at sa pisika, ang unang babaeng propesor sa Pamantasan ng Paris, at ang unang babaeng inilibing sa Panthéon ng Paris dahil sa sariling sikap.
Marie Skłodowska–Curie | |
---|---|
Kapanganakan | 7 Nobyembre 1867 |
Kamatayan | 4 Hulyo 1934 | (edad 66)
Nasyonalidad | Polako, Pranses |
Nagtapos | Pamantasan ng Paris ESPCI |
Kilala sa | radyoaktibidad, polonyo, radyum |
Parangal | Gantimpalang Nobel sa Pisika (1903) Davy Medal (1903) Matteucci Medal (1904) Gantimpalang Nobel sa Kimika (1911) |
Karera sa agham | |
Larangan | pisika, kimika |
Institusyon | Pamantasan ng Paris |
Doctoral advisor | Henri Becquerel |
Doctoral student | André-Louis Debierne Óscar Moreno Marguerite Catherine Perey |
Talababa | |
Ang kauna-unahang babaeng nanalo, at ang nag-iisang taong nanalo ng dalawang Gantimpalang Nobel sa dalawang magkaibang katergorya ng agham. |
Ipinanganak si Curie sa Warsaw, sa noo'y dating Kaharian ng Polonya na bahagi ng Imperyong Ruso. Nag-aral siya sa tagong Pamantasang Lumilipad ng Warsaw at doon niya sinimula ang kaniyang pagsasanay sa pagiging siyentipiko. Noong 1891, sa edad na 24, sinundan niya ang kaniyang ate na si Bronisława at lumipat sa Paris, kung saan itinamo niya ang kaniyang mga karagdagang mga katibayan at itinanghal ang kaniyang mga sumusunod na gawaing maka-agham, at noong 1903, iginawad siya ng Gantimpalang Nobel sa Pisika kasama ng kaniyang asawa na si Pierre Curie at ang pisikong si Henri Becquerel dahil sa kanilang pagtutuklas ng radyoaktibidad (isang salita na kaniyang inilikha). Siya naman mismo ang nanalo ng Gantimpalang Nobel sa Kimika noong 1911 para sa kaniyang paghihiwalay ng purong radyum (radium) at polonyo (polonium).
Namatay si Curie noong 1934 dahil sa anemyang aplastiko (aplastic anemia) bunsod ng maraming taon ng paghaharap sa radyasyon.