Si Mark J. Blechner (ipinanganak 1950, sa Manhattan, New York) ay isang Amerikanong sikologo at psychoanalyst. Siya ang nagpaunlad at nagsaliksik ng mga bagong ideya sa mga larangan ng: panaginip, kasarian at sekswalidad, HIV/AIDS, psychotherapy at ang ugnayan ng neuroscience at psychoanalysis (neuro-psychoanalysis). Kanyang isinalarawan ang disenyo ng paglabag sa katwiran ng pag-iisip ng tao. Ang disenyong ito ay siyang nagpapakilala sa psychopathology, clinical neurological syndromes, dream phenomena, conceptions of gender, at prejudice.

Mga Panaginip

baguhin

Hindi Magkatugmang Pananaw

baguhin

Tinukoy ni Blecher na may tiyak na kakaibang pagpapalagay na hindi natin itinuturing na nakagigimbal sa ating mga panaginip kahit na ito ay gayon sa ating tunay na kamalayan.[1] Sa magkakasalungat na kaalaman., na karaniwan sa isang panaginip, dalawang parte ng pagpapalagay ang di magkatugma sa isat isa, ang nanaginip ay alam ang pagkakasalungat pero di ito nahahadlangan sa pananatili. Halimbawa, pangkaraniwan sa panaginip kagaya ng: “Hindi iyon kamukha ng nanay ko, pero alam ko siya yun." Ang pisikal na kaanyuan at tunay na katauhan ay hindi makatugma. Ang pagpapalagay sa katauhan ng taong yun ay salungat sa kung ano talaga ang totoo nyang katauhan. Sa ating kamalayan, karamihan ng matinong tao ay ipapalagay na namalikmata o napagkamalan lamang nila ang tao at itatama ito, pero hindi laging totoo sa panaginip.

Mayroon ding mga pagkakasalungat sa pagkakaunawa sa panahon: mas karaniwang managinip ng “Matanda na ako sa bahay kung saan ako lumaki.” Madalang para sa isang matanda na managinip na, “Ako ay naging isang bata sa kasalukuyan kong tinitirhan.”

Interobjects

baguhin

Karaniwan din sa isang panaginip na magkaroon ng isang “Interobject”, isang katawagan ni Blechner sa hindi ganap na pagsasanib ng dalawang bagay. Maihahalintulad ito sa: "Isang bagay na hindi mawari kung isa ba itong swimming pool o kaya naman isang aqueduct." o kaya naman "Isang bagay na hindi isang kandado ng pinto na marahil ay isang pares ng pininturahang hinges."[2] Hindi pa rin malinaw ang mga patakaran sa kung anong mga bagay ang puwedeng isama sa interobjects.[3] Ang mga hindi magkakatugmang pananaw at mga Interobjects ay nagaambag sa ating pagkakaintindi sa patakaran ng pagbuo ng mga panaginip at pagiisip na labag sa katwiran na tinatawag ni Blechner na: “The Grammar of Irrationality.”[4]

Oneiric Darwinism

baguhin

Ang panaginip ay nakakatulong na makabuo ng bagong kaalaman. Ang hinuha ni Blecher na Oneiric Darwinism ( oneiric= may kinalaman sa mga panaginip; Darwinism= modelong pagpipili ng pagbubuo ng mga karunungan/kaalaman) nagmumungkahi na ang mga panaginip ng nakakagawa ng mabilis na pagbabago ng kaalaman” mga bagong kaalaman na maaaring gawing makabuluhan, o di kaya tanggalin kung walang kabuluhan o walang pakinabang, Karamihan ng Darwinian hinuha ng panimula ay nagmumungkahi na ang genetic na pagbabago ay makakatulong sa mabuting kaligtasan ng buhay. Karamihan ng tao ay nananaginip ng lima o mas marami pa sa isang gabi, pero ilan lang doon ang naaalala. Oneiric Darwinism ay nagmumungkahi ng tungkulin ng karamihan ng mga panaginip na hindi natin nalalaman at naaalala.

Pagbibigay ng Kahulugan sa Panaginip

baguhin

Ikinakatwiran ni Blecher na ang mga magugulong naghahamon na kahulugan ng panaginip ay magbubunga ng pagtatanong sa nanaginip, “Nasubukan mo na ba na mangyari sa panaginip o kagaya nito?” Iminungkahi nya na sa panaginip, nakikita natin ang pag-oopera sa utak na nagbibigay ng kahulugan na hindi ito kinakaialangang nakakahawa.[5] Ito ay nagdudulot ng phenomena na katulad ng panag uri na tinanggal ang simuno, kagaya ng pansariling pananalita[6] at nakalarawang metapora, na pwedeng gawing mahirap maintindihan ang mga panaginip.

AIDS at HIV

baguhin

Noong 1980s, Si Blechner ay naging dalubhasa sa mga isyung sikolohikal ng mga taong may AIDS. Itinatag niya ang unang psychoanalytic clinic na espesyalista sa sikolohikal na paggamot sa mga taong may HIV at tang kanilang mga tagapag-alaga sa William Alanson White Institute.[7] Noong naging maaari na ang “triple cocktail” na paggamot noong kalagitnaan ng 1990s, ang kayang tampulan lumihis mula sa mga isyu ng kamatayan at paghihingalo papuntang pagbabago ng isang buhay matapos maramdaman ng isang tao na siya ay sinumpa nang mamatay (ang “Lazarus syndrome”) at ang isyu ng pagkalat ng HIV, “bareback sex” at ang isyu ng pagkalat ng HIV, “bareback sex” at ang balanse ng peligro, sarap at kaligtasan. [8]

Kasarian at Sekswalidad

baguhin

Si Blechner din ay nag-aral ng mga isyu ng sekswalidad, kasarian, at sekswal na oryentasyon. [9] Pinagaralan niya ang hindi namamalayang pagkiling at takot sa paglalaki at pagkababae, at ang kanilang pagbabago-bago sa paglipas ng kultura at panahon. Kanyang ipinakilala ang walang katiyakan na mga konsepto ng kabuktutan na kalakip ang masturbation noong ika-19 siglo at oral sex noong simula ng ika-20 siglo, at hinangad na tanggalin ang stigma at ang pagsuri sa psychopathology ng mga ugali na binigyang pahintulot at hindi inilalagay sa panganib ang ibang tao. [10] Pinagaralan din niya ang patakaran ng pagiisip na labag sa katwiran na nagiging batayan na pagkiling sa mga grupo batay sa lahi, relihiyon at sekswal na oryentasyon. Iniuugnay niya ang takot sa same-sex marriage sa “von Domarus principle”[11] na kung saan ang mga bagay na halos magkakaugnay sa isa’t isa ay masasabing may hindi inaasahang kaugnayan. Halimbawa, ang isang taong schizophrenic ay maaring magisip na, “Kung ang pangalan ng aking ina ay Maria, at si Maria ang ina ng Diyos, kung gayon ako ang Diyos.” Kapag ang isang tao napasailalim sa matinding emosyonal na kagipitan, sila ay nagkakaroon ng kakayang magisip ng labag sa katwiran. Kaya masasabing ang isang takot na homosekswal ay maaaring magrason na: Kung ang mga homosekswal ay pinayagan na magpakasal, at ako ay kasal na, maaaring ako ay isang homosekswal. At kung ginawa kong hindi maaaring magpakasal ang mga homosekwal na magpakasal, at ako ay kasal na, kung gayon, gagawin kong imposible na ako ay maging homosekswal.

Psychoanalysis: Technical Approaches

baguhin

Sa psychoanalytic technique, si Blechner ay nagsagawa ng pamamaraan ni Sándor Ferenczi’s na "magkatuwang na pagsusuri" sa pagmumungkahi na ang psychoanalysts ay ibinibilang ang seryosong pag uugali ng pasyente ng walang maagang pagtatapos ng mga tanong kung ang pasyente ay nagpapakita ng pagbabago. Tinatawag ito ni Blecher na "Pagsasagawa ng Pagsangga sa Paglilipat ng Pagbabago." [12] Para uriin ang pagdaloy ng pansariling katangian, binalawak ni Blecher ang pagsasatao ni Harry Stack Sullivan mabuting ako, masamang ako at hindi ako- isama ang siguro ako,[13], ang pinagsamang psychoanalyst at pasyente bilang pagsasalang alang ng mga maaaring mangyari sa magkakaibang katangian. Kanyang ikinatwiran para sa pagsasaalang-alang sa tunay pero hindi magkakatugma na psychological na element ng sakit sa utak na kadalasang nakikita noong maagang 21st siglo na pamantayan ng biolohikal, tulad ng panic attacks [14] at depression[15] Pagtuklas sa magkasalungat sikolohikal na sanhi ay nangangailangan ng dalubhasang panayam sa psychiatry.

Tinanggap ni Blecher ang kanyang pagkadalubhasa sa psychology sa Yale University. Ang kanyang mga hilig ay kinabibilangan ng parehong agham pangkaisipan at klinikang sikolohikal. Natulasan nya sa kanyang masusing pananaliksik na 30% ng papulasyon ay hindi nakakarinig ng minor at major chords sa ugat ng pinagmulan,[16] na pwedeng iugnay sa payak na himig ng mas sikat na musika. Nagturo din sya sa Columbia University, New York University, at ang William Alanson White Institute of Psychiatry, Psychoanalysis, at Psychology. Siya rin at ang punong patnugot ng journal na Contemporary Psychoanalysis.

References

baguhin
  1. Blechner, M. J. (2001) The Dream Frontier. Hillsdale, NJ: The Analytic Press.
  2. Hobson, J. A. (1988) The Dreaming Brain. New York: Basic Books.
  3. Rittenhouse, C., Stickgold, R., & Hobson, J. (1994). Constraint on the transformation of characters, objects, and settings in dream reports. Consciousness and Cognition, 3, 100-113.
  4. Blechner, M. J. (2005) The grammar of irrationality: What psychoanalytic dream study can tell us about the brain. Contemporary Psychoanalysis, 2005, 41: 203-221.
  5. Blechner, M. J. (2006) A post-Freudian psychoanalytic model of dreaming. Neuro-Psychoanalysis, 2006, 8: 17-20.
  6. Vygotsky, L. (1934) Thought and Language. Kozulin, A., trans. Cambridge, MA: MIT Press, 1986.
  7. Blechner, M. J., ed. (1997) Hope and Mortality: Psychodynamic Approaches to AIDS and HIV
  8. Blechner, M. J. (2002) Intimacy, pleasure, risk, and safety. Journal of Gay and Lesbian Psychotherapy, 6:27-33.
  9. Blechner, M. J. Sex Changes: Transformations in Society and Psychoanalysis. New York and London: Taylor and Francis.
  10. Bergner, D. (2009) The Other Side of Desire. New York: Harper Collins
  11. von Domarus, E. (1944). The specific laws of logic in schizophrenia. In J. S. Kasanin (Ed.), Language and Thought in Schizophrenia, pp. 104–114. New York: Norton.
  12. Blechner, M. J. (1992) Working in the countertransference. Psychoanalytic Dialogues, 2:161-179.
  13. Blechner, M. J. (1994) Projective identification, countertransference, and the “maybe-me.” Contemporary Psychoanalysis, 30:619-630.
  14. Blechner, M. J. (2007) Approaches to panic attacks. Neuro-Psychoanalysis, 9:93-102.
  15. Blechner, M. J. (2008) Interaction of social and neurobiological factors in depression. Contemporary Psychoanalysis, 44: 571-580.
  16. Blechner, M. J. (1977) Musical skill and the categorical perception of harmonic mode. Haskins Laboratories Status Report on Speech Research, 52:139-174.
baguhin