Mark Philippoussis
Si Mark Anthony Philippoussis ( /fɪlɪˈpuːsɪs/; ipinanganak Nobyembre 7, 1976) ay isang manlalaro ng tennis mula Australia na may lahing Griyego at Italyano. Naging propesyonal siyang manlalaro ng tennis noong 1994. Ang pinakamatagumpay niyang paglaro ay nang mapanalunan niya ang mga huling laban sa Davis Cup noong 1999 at 2003 na nagpasiya ng magwawagi ng titulo. Umabot din siya sa finals ng 1998 US Open at ng 2003 Wimbledon Championships, kung saan siya natalo sa kababayan niyang si Pat Rafter at Swiss na si Roger Federer, ayon sa pagkakasunod. Naabot niya ang pinakamataas na ranggo sa kaniyang singles career noong Abril 19, 1999 na siya'y maging World No. 8.