Papa Martin IV
Nangangailangan ang artikulo o seksiyon na ito ng pagwawasto sa balarila, estilo, pagkakaisa, tono o baybay. |
Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (walang petsa)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito. Binigay na dahilan: wala |
Si Papa Martin IV (c. 1210/1220 – 28 Marso 1285) na ipinanganak bilang Simon de Brion ang Papa ng Simbahang Katoliko Romano mula 21 Pebrero 1281 hanggang sa kanyang kamatayan. Si Simon de Brion ay anak ni Jean sieur de Brion. Siya ay ipinanganak sa château ng Meinpincien,[1] Île-de-France, Pransiya. Ang pamilyang seigneurial ni Biroon ay yumabong sa Brie française.[2] Kanyang ginugol ang kanyang panahon sa University of Paris at sinasabing nag-aral ng batas sa Padua at Bologna. Sa pamamagitan ng pabor ng papa, kanyang natanggap ang pagkakanon sa Saint-Quentin noong 1238 at gumugol sa panahong 1248–1259 bilang canon ng kabanatang katedral sa Rouen at sa huli ay arkodeakono.[3] Sa parehong panahon, siya ay hinirang na ingat yaman ng St. Martin ng Tours ni Haring Louis IX ng Pransiya na isang opisinang kanyang hinawakan hanggang sa mahalal na papa noong 1281. Noong 1259, siya ay hinirang sa konseho ng hari na gumagawa sa kanyang tagaingat ng dakilang selyo kansilyer ng Pranses na isa sa mga dakilang opiser ng sambahayan ng hari. Noong Disyembre 1261, ginawa siyang kardinal-pari ng bagong papang si Papa Urbano IV na may titulus ng simbahan ng St. Cecilia. Siya ay bumalik sa Pransiya bilang isang legato ng papa para kay Urbano IV at para sa kahalili nitong si Papa Clemente IV noong 1264–1269 at muli noong 1274–1279 sa ilalim ni Papa Gregorio X. Siya ay malalim na nasangkot sa mga negosiasyon para sa suporta ng papa para sa pagkuha ng korona ng Sicily ni Charles ng Anjou. Bilang legato, nangasiwa siya sa ilang mga synod tungkol sa reporma. Pagkatapos ng anim na buwan ng kamatayan ni Papa Nicolas III noong 1280, si Charles ng Anjou ay namagitan sa halalan ng pagkapapa sa Viterbo sa pamamagitan ng pagbilanggo sa dalawang mga maimpluwensiya (influential) na Italyanongkardinal sa dahilang ang mga ito ay nakikialam sa eleksiyon. Sa kawalang pagsalungat ng mga ito, si Simon de Brion ay nagkakaisang hinalal na papa na kumuha ng pangalang Martin IV[4] noong 22 Pebrero 1281.
Martin IV | |
---|---|
Naiupo | 21 Pebrero 1281 |
Nagwakas ang pamumuno | 28 Marso 1285 |
Hinalinhan | Nicholas III |
Kahalili | Honorius IV |
Mga detalyeng personal | |
Pangalan sa kapanganakan | Simon de Brion |
Kapanganakan | c. 1210–1220 Touraine, Kaharian ng Pransiya |
Yumao | Perugia, Mga Estado ng Papa | 28 Marso 1285
Iba pang mga Papa na mayroon ding pangalan na Martin |
Pampapang styles ni Papa Martin IV | |
---|---|
Sangguniang estilo | Kaniyang Kabanalan |
Estilo ng pananalita | Iyong Kabanalan |
Estilo ng relihiyoso | Banal na Ama |
Estilo ng pumanaw | Wala |
Ang Viterbo ay inilagay sa isang interdikto dahil sa pagbilanggo sa mga kardinal at ang Roma ay ayaw tumanggap sa kinapootang Pranses bilang papa kaya si Martin IV ay kinoronahan sa Orvieto noong 23 Marso 1281. Sa pagsalig kay Charles ng Anjou sa halos lahat ng bagay, ang bagong papa ay mabilis na humirang sa kanya sa posisyon ng Senador na Romano. Sa pagpipilit ni Charles, itinawalag ni Martin IV ang Emperador na Bizantinong si Michael VIII Palaeologus na humarang sa mga plano ni Charles na ibalik ang Imperyong Latin ng Silangan na itinatag pagkatapos ng Ikaapat na Krusada. Kaya kanyang pinutol ang pagkakaisa na naabot sa pagitan ng mga simbahang Griyego at Latin sa Ikalawang Konseho ng Lyons noong 1274 at ang ikalawang kompromiso ay imposibleng maisagawa. Noong 1282, si Charles ay pinatalsik sa isang bayolenteng masaker na kilala bilang Sicilian Vespers. Hinalal ng mga Sicilian si Pedro III ng Aragon bilang kanilang hari at walang kabuluhang naghangad ng kompirmasyon ng papa bagaman handa sila muling ikompirma ang Sicily bilang estadong basalyo ng kapapahan. Ginamit ni Papa Martin IV ang lahat ng kanyang mga mapagkukunang espiritwal at materyal sa kanyang kautusan laban sa Aragonese upang panatilihin ang Sicily para sa Sambahayan ng Anjou. Kanyang itinawalag si Pedro III at nagdeklara na ang Kaharian ng Aragon na isinuko at nagutos ng isang krusada laban sa kanya ngunit ito ay walang kabuluhan.[5] Sa kamatayan ng protektor ni Martin IV na si Charles ng Anjour noong 7 Enero 1285, hindi magawang manatili ni Papa Martin IV sa Roma. Siya ay namatay sa Perugia noong 28 Marso 1285.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Nikolaus Backes, Kardinal Simon de Brion (Breslau) 1910, used by H.K. Mann and J. Hollnsteiner, The Lives of the Popes in the Middle Ages XVI (London) 1932: 171–205., both quoted by Richard Kay, "Martin IV and the Fugitive Bishop of Bayeux" Speculum 40.3 (Hulyo 1965, pp. 460–483) p 461f.
- ↑ The Brie champenoise, by contrast, consisted of that part of the pays of Brie that lay within territories of the counts of Champagne. As a measure of the fractionalisations caused by feudalism, the sieur de Brion nevertheless held his seigneurie of Meinpincien from the count of Champagne.
- ↑ As Magister Simon de Meinpiciaco he signed a document at Louviers, 2 Marso 1248. (Kay 1965:463).
- ↑ Popes Marinus I and Marinus II, by an old error of the papal chancery, were counted as "Martins" II and III. (Encyclopaedia Britannica' 1911, s.v., "Brie")
- ↑ Jim Bradbury, The Capetians: The History of a Dynasty, (Continuum Press, 2007), 239.