Ang Perugia ( /pəˈrə/ [3][4] /USalsoʔiə,_pˈʔ/,[5] Italyano: [peˈruːdʒa]  ( pakinggan); Latin: Perusia) ay ang kabeserang lungsod ng rehiyon ng Umbria sa gitnang Italya, na tinatawid ng Ilog Tiber, at ng lalawigan ng Perugia. Ang lungsod ay matatagpuan mga 164 kilometro (102 mi) sa hilaga ng Roma at 148 kilometro (92 mi) timog-silangan ng Florencia. Sinasaklaw nito ang isang mataas na tuktok ng burol at bahagi ng mga lambak sa paligid ng lugar. Ang rehiyon ng Umbria ay napapaligiran ng Toscaan, Lazio, at Marche.

Perugia
Comune di Perugia
Piazza IV Novembre
Piazza IV Novembre
Eskudo de armas ng Perugia
Eskudo de armas
Lokasyon ng Perugia
Map
Perugia is located in Italy
Perugia
Perugia
Lokasyon ng Perugia sa Umbria
Perugia is located in Umbria
Perugia
Perugia
Perugia (Umbria)
Mga koordinado: 43°6′44″N 12°23′20″E / 43.11222°N 12.38889°E / 43.11222; 12.38889
BansaItalya
RehiyonUmbria
LalawiganPerugia (PG)
Mga frazioneTingnan ang talaan
Pamahalaan
 • MayorAndrea Romizi (Forza Italia)
Lawak
 • Kabuuan449.51 km2 (173.56 milya kuwadrado)
Taas
493 m (1,617 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan165,683
 • Kapal370/km2 (950/milya kuwadrado)
DemonymPerugino
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
06100
Kodigo sa pagpihit075
Santong PatronSt. Constantius, St. Herculanus, St. Lawrence
Saint dayEnero 29
WebsaytOpisyal na website
Tanaw mula sa Perugia, sa ibabaw ng isang lambak sa ibaba
Tingnan ng iba pang burol sa paligid ng Perugia
Tanaw ng lungsod at lambak sa tuktok ng burol ng Perugia

Ang kasaysayan ng Perugia ay bumalik sa panahon ng Etrusko; ang Perugia ay isa sa mga pangunahing Estruskong lungsod.

Ang lungsod ay kilala rin bilang bayan ng mga unibersidad, kung saan itinatag ang Unibersidad ng Perugia noong 1308 (mga 34,000 estudyante), Unibersidad para sa mga Dayuhan (5,000 estudyante), at ilang mas maliliit na kolehiyo gaya ng Academy of Fine Arts "Pietro Vannucci" (Italyano: Accademia di Belle Arti "Pietro Vannucci") pampublikong athenaeum na itinatag noong 1573, ang Pamantasan ng Perugia Surian ng Meditasyong Lingguwistika para sa mga tagapagsalin at interpreter, ang Musikang Konserbatoryo ng Perugia, na itinatag noong 1788, at iba pang institusyon.

Ang Perugia ay isa ring kilalang sentro ng kultura at sining ng Italya. Nagtatanghal ang lungsod ng maraming taunang pista at pangyayari, halimbawa, ang Pistang Eurochocolate (Oktubre), ang Umbria Jazz Festival (Hulyo), at ang Pandaigdigang Pista ng Pamamahayag (tuwing Abril), at nauugnay sa maraming kilalang tao sa sining.

Mga sanggunian

baguhin
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. https://www.tuttitalia.it/umbria/provincia-di-perugia/72-comuni/popolazione/; Istat.
  3. "Perugia" Naka-arkibo 2019-05-30 sa Wayback Machine. (US) and "Perugia". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press.
  4. "Perugia". Collins English Dictionary. HarperCollins. Nakuha noong 30 Mayo 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. "Perugia". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).

Padron:Regional Capitals of ItalyPadron:Cities in Italy