Sining pandigma

(Idinirekta mula sa Martial art)

Ang sining pandigma ay inayos na sistema at tradisyon ng labanang pagsasanay, na kung saan ay ineensayo dahil sa iba't ibang uri ng rason: pagtatanggol sa sarili, paligsahan, pisikal na kalusugan, angkop na pangangatawan, libangan, ganun din ang pangkaisipang pisikal, at pangispiritwal na pagpapaunlad. Bagaman ang terminong sining panlaban ay naging kasama sa labanang sining ng Silangang Asya, ito ay orihinal na tumutukoy sa panlabang sistema ng Europa noong unng bahagi ng 1550s. Ang terminong ito ay nanggalig sa Latin, at ang kahulugan ay "Sining ng Mars" o ang romanong diyos ng digmaan. Ilang may akda ang nagtalo na ang katawagang labanang sining o panlabang sistema ay mas maging angkop sa batayan na maraming sining na marsyal ay hindi kailanman naging "marsyal" dahil hindi naman ito ginagamit o nilikha ng propesyonal na mandirigma.

Ang mga sining pandigma (Ingles: martial art [isahan], martial arts [maramihan]) ay ang anumang uri o anyo ng pakikipaglabang may pangkat ng mga paraan ng pagsasagawa. Maraming uri ng mga sining marsiyal na nagmumula sa partikular na mga bansa. Isinasagawa ang mga ito ayon sa maraming mga kadahilanan: pakikipagtunggali, pagtatanggol ng sarili, palakasan o palaro, meditasyon, pagpapahinahon ng sarili, at pagpapanatili ng kalusugan. Sa pangkaraniwang paggamit ng pariralang ito, sakop nito ang mga sistema ng pakikipaglabang pinaunlad sa buong mundo. Tinatawag na artistang marsiyal o alagad ng sining panlaban ang isang taong nagsasagawa ng sining panglaban.

Mga halimbawa

baguhin

  Ang lathalaing ito na tungkol sa Palakasan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.