Martin Weinek
Walang sangguniang binanggit o isinaad ang talambuhay na ito patungkol sa isang buhay na tao. (Nobyembre 2010)
Makakatulong po kayo sa pagpapabuti nito sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga maaasahan at mapagkakatiwalaang sanggunian. Tandaan lamang po na agad na tatanggalin ang mga kaduda-dudang materyales nang walang sanggunian o di kaya'y mahina ang pagkakasangguni. |
Si Martin Weinek ['martin 'vainɛkʰ] (isinilang sa Leoben sa Steiermark noong 1964) ay isang artistang Austriyano. Isa rin siyang artistang madalas gumaganap sa iisang partikular na katangian ng tauhan, tagagawa ng alak sa Austria, negosyante, at tagapagpasaya ng madla o mga manonood. Higit na kilala siya sa pagganap bilang Inspector Fritz Kunz sa seryeng pantelebisyong Inspector Rex.
Martin Weinek | |
---|---|
Kapanganakan | Martin Weinek 5 Hunyo 1964 |
Trabaho | aktor, aktor na may tiyakan at palagiang katauhan |
Asawa | Eva Weinek |
Talambuhay
baguhinNag-aral ng drama si Weinek mula 1963 hanggang 1986 sa ilalim ng propesor na si Professor Peter P. Jost. Mula 1986, naging bahagi siya ng Group 80 (Pangkat 80) sa mga tanghalan ng Vienna at nagkaroon ng maliit na papel sa pelikulang Nachsaison (Pagkaraan ng Panahon), kung saan gumanap siya bilang isang tagapagpaandar ng elebeytor.
Noong 1987, gumanap siya sa pestibal ng Recklinghausen sa ilalim ng direksiyon ni Georg Mittendrein para sa pelikulang The Lechner Edi looks into Paradise (Tumingin si Lechner Edi sa Paraiso) at bilang isang tagapagwalis sa pelikulang Müllomania sa ilalim ng direksiyon ni Dieter Berner. Nagkaroon siya ng pagganap sa tanghalang Jura Soyfer sa Vienna mula 1988-1989, at maging sa iba pang entablado. Naging direktor din siya ng drama at produksiyon na nasundan ng pamamahalaang pangsining sa tanghalan ng Lungsod ng Hernalser mula 1990 hanggang 1991.
Sa pagitan ng mga ito, naging aktibo rin si Weinek sa pelikula at telbisyon, katulad ng animang seryeng Calafati Joe noong 1989.
Bukod sa pagiging aktor, gumagawa rin siya ng alak sa Vienna, katulong ang asawang si Eva. Naghanapbuhay bilang isang dramatista ang asawa niyang si Eva makaraang mag-aral ng drama. Nagsimula sila sa paglikha ng alak bilang libangan lamang noong 1993, na may tanimang ubasan na sumusukat sa tatlong hektarya malapit sa Heiligenbrunn.
Talapelikulahan (pilmograpiya)
baguhin- 1989: Calafati Joe (seryeng pantelebisyon)
- 1999-2004: Inspector Rex (seryeng pantelebisyon)
- 2004: Silentium
- 2005: Grenzverkehr
- 2006: Unter weißen Segeln (Kabanatang o episodyong Träume am Horizont)
- 2007: Die Rosenheim-Cops (Kabanatang Liebe bis zum Ende)
- 2008: Rex (Kabanatang L'Incontro)
Mga panlabas na kawing
baguhin- (sa Aleman) Link sa Austria Naka-arkibo 2011-06-11 sa Wayback Machine.
- (sa Aleman) Weinek para taniman ng ubas Naka-arkibo 2007-09-29 sa Wayback Machine.
- (sa Aleman) Burgenland Genuss Gala 2008 Naka-arkibo 2008-10-23 sa Wayback Machine.
- (sa Aleman) Nielsen Agentur, Weinek's manager Naka-arkibo 2009-07-26 sa Wayback Machine.
Ang artikulo na ito ay isinalin mula sa " Martin Weinek " ng en.wikipedia. |
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay at Telebisyon ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.