Massafra
Ang Massafra (Griyego: Messaphros) ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Taranto sa rehiyon ng Apulia sa timog-silangang Italya.
Massafra | |
---|---|
Città di Massafra | |
Mga koordinado: 40°35′N 17°7′E / 40.583°N 17.117°E | |
Bansa | Italya |
Rehiyon | Apulia |
Lalawigan | Taranto (TA) |
Mga frazione | Cernera, Chiatona, Citignano, Marina di Ferrara |
Pamahalaan | |
• Mayor | Fabrizio Quarto |
Lawak | |
• Kabuuan | 128 km2 (49 milya kuwadrado) |
Taas | 110 m (360 tal) |
Populasyon (2018-01-01)[2] | |
• Kabuuan | 32,861 |
• Kapal | 260/km2 (660/milya kuwadrado) |
Demonym | Massafresi |
Sona ng oras | UTC+1 (CET) |
• Tag-init (DST) | UTC+2 (CEST) |
Kodigong Postal | 74016 |
Kodigo sa pagpihit | 099 |
Websayt | Opisyal na website |
Kasaysayan
baguhinAyon sa ilang mga pagpapalagay,[4] ang Massafra ay itinatag noong ika-5 siglo ng mga tumakas mula sa Romanong lalawigan ng Africa, na sinalakay ng mga Bandalo. Ang unang makasaysayang pagbanggit ng lungsod gayunpaman ay mula noong ika-10 siglo, kung kailan ito ay isang Lombardong gastadlo.
Matapos ang pananakop ng Normando sa katimugang Italya, ibinigay ito sa isang pamangkin ni Robert Guiscard, na pinatibay ito at ipinanumbalik ang kastilyo. Nang maglaon ito ay bahagi ng Prinsipalidad ng Taranto, kung saan, bilang isang malayang bayan, ito ay napasailalim hanggang 1463. Noong 1484 naatasan ito kay Antonio Piscitello. Noong 1497 ito ay dinambong ng mga hukbo ni Charles VIII ng Pransiya, at ang fief ay napunta kay Artusio Pappacoda, na ang pamilya nito ang humawak nito sa loob ng isang siglo at kalahati. Sinundan sila ng Carmignano at ng Imperiale.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ All demographics and other statistics: Italian statistical institute Istat.
- ↑ Giuseppe Blandamura, Choerades Insulae, Taranto, Tipografia Arcivescovile, 1925.
Mga panlabas na link
baguhin- Opisyal na website (sa Italyano)