Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila

Ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila (Ingles: Manila Science High School) ay ang unang mataas na paaralang pang-agham sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa kanto ng Avenida Taft at Lansangan Padre Faura sa Ermita, Maynila. Ang MPPM ay itinatag noong ika-1 ng Oktubre, 1963.[1]

Mataas na Paaralang na Pang-Agham ng Maynila
Manila Science High School
Itinatag 1963
Uri Pampubliko, Paaralang Pang-agham
Punong-Guro Fernando B. Orines
Lokasyon Lungsod ng Maynila, Pilipinas
Rehiyon PPR
Sangay NCR DepEd
Kampus Kanto ng Abenida Taft at Kalye Padre Faura, Ermita
Pahayagan Ang Ubod (Filipino)

The Nucleus (Ingles)

Websayt www.manilascience.edu.ph
Katawagan MaSci

Kasaysayan

baguhin

Si dating Pangulong Ramon Magsaysay ang unang nagsabi na kanyang isinapananaw na magkaroon ng paaralang pang-agham sa kanyang 1956 na SONA, kung saan kanyang sinabi na "ang pinakamatinding pangangailangan ng pagpahusay ng pangunahin at aplikadong pananaliksik sa agham at teknolohiya na matagal na natin di napapansin (the great need of stepping up the development of fundamental and applied research in science and technology which has long been neglected."

Gumalaw ang Batasan ng Pilipinas upang maipasa ang RA 1606, na lumikha sa National Science Development Board upang makipagkaisa sa Science Foundation of the Philippines sa pagpapaunlad ng pananaliksik sa agham at makabagong kagamitan. Ito'y mabilisang sinundan ng RA 2067, na kinikilala bilang Science Act of 1958 na nagmungkahing pag-isahin at patindihin ang pananaliksik sa agham at makabagong kasangkapan upang mag-udyok ng paglikha ng bagong mga kaisipan sa agham at makabagong kagamitan.

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kumilos din upang maisakatuparan ang RA 1606 sa pamamagitan ng paglabas ng DO 1 at DO 5, taon 1958, upang mailunsad ang Science Talent Research.

Noong ika-25 ng Nobyembre, 1959 naganap ang unang hakbang sa paggawa ng kauna-unahang paaralang pang-agham sa Maynila at Pilipinas. 32 mga mag-aaral ang napili sa pamamagitan ng pagdaan sa matinding malatagisang pagsusulit. Itong ubod ng mataas na paaralang pang-agham ay nagsimula mula sa isang palapag na gusali sa Intramuros.
Noong ika-1 ng Oktubre, 1963, ipinanganak ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila sa bisa ng Municipal Resolution 426 na linagdaan ni Alkalde Antonio J. Villegas. Ang karangalan para sa maagang tagumpay ng paaralan ay kadalasang pinaparangal kay dating Punonggurong Augusto Alzona, na tinuturing "Ama ng Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila (Ingles: Father of Manila Science High School). Ang Bronx Science High School sa New York bilang huwaran, ang Special Science Curriculum ay binalangkas upang makamit ang mga pangangailangan ng mga iskolar na nabiyayaan sa agham at sipnayan. Bukod sa pampaaralang mga gawain, ang MPPM ay lumilikha rin ng mga gawain na nagpapalawak ng kaalaman ng mag-aaral sa iba pang mga larangan, kahit na hindi pampaaralan.

Pagkatapos ng limang taon sa Intramuros, inilipat ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila sa kasalukuyang lunan nito noong 1966. Ang unang punongguro ng paaralan ay si G. Honesto Valdez (1963-1977). Sa pagdating ng 1977, ang unang bahagi ng Gusaling Main ay natapos na, at ang ikalawang bahagi ay sinimulan na.

Noong Septyembre ng 1977, natapos na ang paggawa sa MPPM, sa ilalim ni Gng. Evelina Barotilla, ang ikalawang punongguro. Sa taon ding iyon natapos ang pag-aayos sa Gusaling Bordner. Ang Gusaling Home Ecnomics (isang karagdagan Gusaling Main) ay sinimulang itinayo noong 1980. Ang buong proyektong pagtatayo ay itinustos sa pamamagitan ng Special Education Fund sa pamamailalim ni Dr. Josefina Navarro, Superintendent of City Schools, Manila.

Ang paggawa sa Technology Creativity Laboratory ay sinimulan noong 1998 sa ilalim ng pamumuno ni G. Daisy Banta, ang ikatlong punongguro. Nangyari ang proyekto sa pamamagitan ng Special Education Fund sa pamamagitan ng pagtutulungan nina Alkalde Gemiliano Lopez at G. Alfredo Lim, kasama na rin ang DECS-Manila Superintendent na si Dr. Elinada Lolarga.

Ang bagong sanlibong taon ay pumasok sa pagdating ni Gng. Susan Yano, ang ikaapat na punongguro, ang pagkatapos ng Gusaling Antonio Maceda, at ang muling pagbuhay sa Manila Science High School Alumni Association. Maagang nagretiro si Gng. Susan Yano. Ang ikalimang punongguro ng MPPM ay si Gng. Rosita Henson. Nanatili siya sa MPPM mula 2004-2006 bago naitaas at inilipat sa ibang paaralan upang doon mamuno.

Ang Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila'y naisailalim sa pamumuno ng ika-anim nitong punungguro, si Gng. Salud S. Sabado mula 2006 hanggang sa ika-15 ng Nobyembre taong 2008. Matapos nito, namuno ang ikapito nitong punungguro na si Gng. Flora A. Valdez hanggang sa siya ay magretiro noong ika-21 ng Enero taong 2010. Ngunit bago magretiro si Gng. Valdez, sinimulan ni Kongresista Amado Bagatsing ng Ikalimang Distrito ng Maynila ang kanyang proyektong "Amadome" upang mabubungan ang covered court ng paaralan, na siya ring natapos ng sapat para sa bagong panuruang taon.

Dahil sa nangyaring halalan noong buwan ng Mayo taong 2010, hindi muna nagkaroon ng bagong punungguro ang MPPM hangga't hindi pa hinihirang ng bagong Alkalde ng Maynila ang mga administrador para sa Sangay ng mga Paaralang Panlungsod. Si Bb. Edna P. Parcon, Pinuno ng Kagawaran ng Sipnayan, ang siyang pansamantalang namuno sa paaralan sa mga panahong iyon. Ika-26 ng Agosto taong 2010, nagsimula ang pamumuno ni G. Fernando B. Orines, na dati nang guro ng Sipnayan sa naturang institusyon.

Mga Pinag-aaralan

baguhin
ASIGNATURA I TAON II TAON III TAON IV TAON
AGHAM Malawakang Agham Haynayan Salalayang Kapnayan Pasimula sa Pangkolehiyong Liknayan
SIPNAYAN Salalayang Panandaan Sugkisan Mataas na Panandaan Mapanuring Sugkisan at Panimula sa Tayahan
INGGLES Balarila't Panitikang Pilipino Balarila't Panitikang Aprikano-Asyano Balarila't Panitikang Amerikano Balarila't Panitikang Pandaigdig
FILIPINO Pag-unawa / Balarila / Ibong Adarna Balarila / Pang-unawa / Florante At Laura Panitikang Pilipino / Noli Me Tangere Panitikang Asyano / El Flibusterismo
ARALING PANLIPUNAN Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas Kasaysayan ng Asya Kasaysayan ng Daigdig Ekonomiks
MSEPK Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan & Kalusugan 1 Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan & Kalusugan 2 Musika, Sining, Edukasyong Pangkatawan & Kalusugan 3 Musika, Edukasyong Pangkatawan, Kalusugan & Pagsasanay sa Pag-unlad ng Pagkamamamayan
TEKNOLOHIYA & SINING PAMBAHAY/EDUKASYONG PANGHANAPBUHAY Drafting at Edukasyong Panghanapbuhay O Pagiging Mangangalakal Drafting at Edukasyong Panghanapbuhay O Pagtitingi-tingi ng Paninda Sining Pangkusina O Accounting at Pamamahala ng Negosyo O Pamamahayag Sining Pangkusina O Drafting at Pagpaplano ng Bahay O Pamamahayag
AGHAM PANGKOMPYUTER Salalayang Kaalaman sa Kompyuter / Windows HTML & Frontpage Basic C++ C++ & Java
EDUKASYONG PAGPAPAHALAGA Edukasyong Pagpapahalaga I Edukasyong Pagpapahalaga II
ELECTIV PANG-AGHAM Agham Panlupa Hinuhang Pananaliksik Teknolohiyang Panghaynayan & Pananaliksik Kapnayang Mataas & Pananaliksik
Salalayang Liknayan Liknayang Ganap
ELEKTIV PANG-INGGLES Pananalita at Sining na Pangtanghalan Maladalubhasang Pagsulat Katuruang Pantao
ELEKTIV PANSIPNAYAN Estadistika Pamagitang Panandaan Tatsihaan Sipnayang Finite
ELEKTIV PANGWIKA Wikang Hapon / Wikang Tsino / Wikang Espanyol Wikang Pranses

Mga Namumuno sa bawat Kagawaran

baguhin
Namumuno Kagawaran
Bb. Victoria Santos Kagawaran ng Inggles
Gng. Precilinda P. Arellano Kagawaran ng Pag-aaral Teknolohiya
Bb. Nelda G. Lazaro (PP) Kagawaran ng Araling Panlipunan
G. Wilfredo B. Romano, Jr. (nasa liban) Kagawaran ng Agham
Bb. Edna P. Parcon Kagawaran ng Sipnayan
Bb. Angelita Quintal (PP) Kagawaran ng Sining Pambahay
bakante Kagawaran ng Filipino
Gng. Jocelyn Carlos (PP) Kagawaran ng MSEPK

Mga Paglilimbag

baguhin

Sa Ingles, ang pahayagan ay ang "The Nucleus". Sa Filipino naman, ang pahayagan ay ang "Ang Ubod". Ang dalawang pahayagan ay may parehong kahulugan lang kapag isinalin sa kabilang wika.

Mga Kapansin-pansing Nagtapos sa MPPM

baguhin

Trivia

baguhin

1. Ang MPPM ang kauna-unahang paaralang pang-agham na itinanatag sa Pilipinas.
2. Sa pahayagang Ang Ubod, nakasulat ang "Mataas na Paaralang Pang-agham ng Maynila - Agham, Katotohanan, at Bayan" sa baybayin.
3. Ang MPPM ay dating bahagi ng Mataas na Paaralan, Maynila.

Sanggunian

baguhin
  1. Manila Science High School Bulletin Board