Kalye Padre Faura
Ang Kalye Padre Faura (Ingles: Padre Faura Street) ay isang kalye na dumadaan mula silangan pakanluran sa pusod ng Maynila, Pilipinas. Dinadala nito ang walang salubong na trapiko pakanluran mula Kalye San Marcelino hanggang Bulebar Roxas. Nagsisimula ito sa Kalye San Marcelino sa may Liwasang Paco sa distrito ng Paco. Dadaan ito pakanluran, at babagtasin nito ang Abenida Taft. Paglampas, dadaan ito sa distrito ng Ermita. Tatapos ito sa Bulebar Roxas, sa tapat ng Embahada ng Estados Unidos. Ang haba nito ay 1 kilometro (0.62 milya).
Kalye Padre Faura Padre Faura Street | |
---|---|
Impormasyon sa ruta | |
Haba | 1.0 km (0.6 mi) |
Bahagi ng | |
Pangunahing daanan | |
Dulo sa silangan | N181 (Kalye San Marcelino) sa Paco |
| |
Dulo sa kanluran | N120 (Bulebar Roxas) / AH26 sa Ermita |
Sistema ng mga daan | |
Mga daanan sa Pilipinas |
Ipinangalan ang kalye mula kay Federico Faura, paring Kastila at Heswita at tagapamahala ng Obserbatoryo ng Maynila (Observatorio Meteorológico de Manila) na matatagpuan noon sa kalye. Dati itong tinawag na Calle Observatorio.[1][2] Ang Obserbatoryo ng Maynila ay matatagpuan noon sa dating campus ng Ateneo Municipal sa may Padre Faura; pinalitan na ito ngayon ng pook-pamilihan ng Robinsons Place Manila.
Tingnan din
baguhinMga sanggunian
baguhin- ↑ "Padre Faura". Philippine Star. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link). - ↑ "Of whirlwinds and waterspouts". Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong 8 Oktubre 2013.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)