Mataas na Paaralang Pang-agham ng Marikina
Ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina (Ingles: Marikina Science High School) ay isang mataas na paaralang pang-agham sa lungsod ng Marikina. Ayon sa punong lungsod ng Marikina, ang Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina ay ang pinakamagaling na paaralang mataas sa buong lungsod. Ang tumpak na direksiyon ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Marikina ay sa Kalye ng Mayor Juan Chanyungco, Sta. Elena, Lungsod ng Marikina. Sa taong pampaaralan 2016-2017, ang mga sektion sa ika-pitong baitang ay 5; 5 sa ika-walong baitang; 5 sa ika-siyam na baitang; 6 sa ika-sampung baitang at 2 sa ika-labing isang baitang.
Mataas na Paaralang na Pang-Agham ng Marikina Marikina Science High School | |
Itinatag | 2001 |
Uri | Pampubliko |
Kasapi | Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas |
Punong-Guro | Maria A. Nicolas (OIC) |
Lokasyon | Marikina, NCR, Pilipinas |
Rehiyon | NCR |
Sangay | NCR DepEd |
Kampus | Chanyungco St., Sta. Elena, Marikina |
Pahayagan | The Shoeland |
Telepono | 647-4262 |
Katawagan | MariSci, MSHS |
Ang Foundation Day ng paaralang ito ay ginugunita tuwing ika-7 ng Nobyembre ng mga mag-aaral at ng mga guro nito sa pamamagitan ng maikling talakayan sa mga nagawang mabuti ng paaralan. May misa rin na ginagawa. Sa taong 2020, 19 na taong-gulang na ang MariSci.
Ang kasulukuyang OIC (officer-in-charge) ng MariSci ay si Gng. Maria A. Nicolas.
Sistema ng Markahan
baguhinNasa ibaba ang talaan nang sistema ng markahan ng MSHS. Kapag 1.5 ang yunit nito, ang asignatura ay isang pangunahing asignatura. Ang HRO ay palaging 0 ang halaga.
Freshmen's Subject-Unit Table
Asignatura | Yunit |
---|---|
Agham I - Simpleng Agham | 1.5 |
Sipnayan I - Panandaan (Elementary Algebra) | 1.5 |
English I | 1.5 |
Filipino I | 1 |
Araling Panglipunan I(Kasaysayan ng Pilipinas) | 1 |
MAPEH I | 1 |
TLE I | 1 |
Computer Education I | 1 |
Pamamahayag | 1 |
Elective - Agham pangmundo | 1 |
TOTAL | 11.5 |
Sophomores' Subject-Unit Table
Asignatura | Yunit |
---|---|
Agham II - Biyolohiya | 1.5 |
Sipnayan II - Panandaan (Intermediate Algebra) | 1.5 |
English II | 1.5 |
Filipino II | 1 |
Social Studies II (Kasaysayan ng Asya) | 1 |
MAPEH II | 1 |
TLE II | 1 |
Computer Education II | 1 |
Environmental Science | 1 |
Elective- Sipnayan (Radicals- Sequence) | 1 |
Mga Simpleng Hakbang sa Pananaliksik (Basic Methods of Research) | 1 |
Heometriya | 1 |
TOTAL | 13.5 |
Juniors' Subject-Unit Table
Asignatura | Yunit |
---|---|
Agham III - Kapnayan (Basic) | 1.5 |
Sipnayan III - Panandaan (Advanced Algebra) | 1.5 |
English III | 1.5 |
Filipino III | 1 |
Araling Panlipunan III(Kasaysayan ng Mundo) | 1 |
MAPEH III | 1 |
Computer Education III(Photoshop [Optional], Advanced Programming and Basic LEGO Robotics) | 1 |
Trigonometry | 1 |
Research IA - Statistics in Research | 1 |
Pisika (Basic Physics) | 1 |
Biyolohiya (Advanced) | 1 |
TOTAL | 12.5 |
Seniors' Subject-Unit Table
Asignatura | Yunit |
---|---|
Agham IV - Kapnayan (Advanced) | 1.5 |
Sipnayan IV - Analytic Geometry | 1.5 |
English IV (World Literature) | 1.5 |
Filipino IV (El Filibusterismo) | 1 |
Araling Panlipunan IV (Economics) | 1 |
MAPEH IV | 1 |
Edukasyong pang-kompyuter IV (Adobe Photoshop) | 1 |
Calculus | 1 |
Pisika (Advanced Physics) | 1 |
TOTAL | 11.5 |