Mataas na Paaralang Pang-agham ng Pilipinas - Kampus ng Rehiyong Iloko

Ang Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Iloko (Philippine Science High School - Ilocos Region Campus sa wikang Ingles) ay itinatag sa bisa ng Batas Republika 9036 na inakda ng dating kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur na si Ginoong Salacnib Baterina. Ang Mataas na Paaralan ng Pilipinas sa Agham - Kampus ng Rehiyong Iloko ay isa sa siyam na kampus ng Philippine Science High School System.

Lokasyon

baguhin

Matatagpuan ang nasabing paaralan sa Barangay Poblacion East, Bayan ng San Ildefonso, Ilocos Sur. Ang paaralan ay nakatayo sa limang-ektaryang lupa na libreng ibinigay ng lokal na pamahalaan ng San Ildefonso.

Taong Akademiko 2008-2009

baguhin

Ang paaralan ay kasalukuyang nagsisilbing paaralan ng mga estudyanteng galing pa sa mga lalawigan ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, Abra, La Union, Bulacan, Tarlac, at Pangasinan at ng mga lungsod ng Baguio, Manila, Quezon, at Marikina. Ayon sa Registrar ng paaralang ito, may 183 estudyante ang nag-aaral sa nasabing paaralan sa kasalukuyan, mula Unang Taon hanggang Ikaapat na Taon. Si G. Larry Cabatic ang kasalukuyang Campus Director ng paaralan.

Nagbukas ang Taong Akademiko 2008-2009 noong 10 Hunyo 2008. Isang Programang Oryentasyon ang isinagawa para sa bagong "batch" ng mga mag-aaral na mula pa sa iba't ibang sulok ng Luzon.

Kasaysayan

baguhin

Ang pagtatatag ng paaralan ay unang pinasinayaan ng namumunong kinatawan ng unang distrito ng Ilocos Sur noong mga panahong yaon na si Salacnib Baterina noong taong 1999. Ang batas na siyang inakda niya ay ang Batas Republika 9036.

Kalaunan, inaprubahan din ng Board of Trustees ng PSHS System ang panukalang magtatag ng kampus ng PSHS sa Rehiyong Ilokos noong 4 Pebrero 2002. Sa awa ng Diyos, may malugod na bayan sa Ilocos Sur ang libreng nagbigay ng limang ektaryang lupa upang itayo ang kampus na inaasam ni G. Baterina. Opisyal na nagbukas ang paaralan noong 14 Hulyo 2003 nang may 33 mag-aaral at 6 guro.

Heto ang mga naging kaganapan sa kasaysayan ng paaralang ito.

Petsa Kaganapan
1999 Sa pamamagitan ng Batas Republika 9036 ni Cong. Salacnib Baterina magkaroon na ng pundasyon sa pagpapatatag ng Kampus ng Mataas na Paaralang Pang-Agham ng Pilipinas sa Rehiyong Ilokos.
2000 Ininspekon ng isang Kalihim na si Uriarte ang lupang pagtatayuan ng paaralan para sa ikaliligtas ng mga magiging estudyante dito.
12 Marso 2001 Salamat kay Cong. Baterina, ang Batas Republika 9036 ay nagdagdag pa ng mga punksiyonal na kapangyarihan sa PSHS System Board of Trustees.
6 Pebrero 2002 Inaprubahan ng PSHS Board of Trustees ang isang resolusyon, na nagresulta sa legal at aprubadong pagkakatatag ng MPPA-KRI.
Enero 2003 Itinayo ang unang dalawang gusali ng paaralan.
Pebrero 2003 Pagkakabuo ng kauna-unahang "faculty and staff" ng paaralan.
Hunyo 2003 Isang oryentasyon at pagsasanay ang inihanda para sa mga magiging "faculty and staff" ng paaralan.
14 Hulyo 2003 Opisyal na nagbukas ang MPPA-KRI kasama ang 33 estudyanteng "pioneer" at 6 gurong "pioneer".
25 Hulyo 2003 Pinasyal ng mga mag-aaral ang lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur.
Agosto 1-2, 2003 Ginanap ng paaralan ang kauna-unahan nitong taunang "Leadership Training Seminar".
6 Oktubre 2003 Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan sa pagitan ng dalawang puno ng PSHS-IRC o MPPA-KRI at University of Northern Philippines o Unibersidad ng Hilagang Pilipinas. Sa M.O.A. na ito, pinayagang gamitin ng mga mag-aaral ng MPPA-KRI ang silid-aklatan ng nasabing unibersidad habang wala pang sariling silid-aklatan ang MPPA-KRI.
21 Nobyembre 2003 Ang pormal na "turnover" ng paaralan at isang seremonyang pang-inawgurasyon ang ginanap.
19 Disyembre 2003 Simula ng Kauna-uanhang taunang pagdiriwang ng Pasko sa Paaralan.
Pebrero 6-8, 2004 Ginanap ang kauna-unahang selebrasyon ng "Humanities' Week". Simula noo'y, taun-taon na ang pagdiriwang nito sa paaralan.
26 Marso 2004 Pinasyal ng mga mag-aaral ang punong opisina ng Kagawaran ng Agham at Teknolohiya o Department of Science and Technology sa Maynila.
2 Abril 2004 Naganap ang unang "Recognition Day" ng paaralan.
8 Hulyo 2004 Itinatag ang Student Alliance. Si G. Juan Carlo Sevilleja ang naihalal na kauna-unahang pangulo nito.
14 Hulyo 2004 Ipinagdiwang ng MPPA-KRI ang Unang Anibersaryo nito.

Mga Seksiyon ng mga Klase sa Paaralang Ito

baguhin

Unang Taon

  • Diamond

Tagapayo: Jefferson Tapucol

  • Emerald

Tagapayo: Narcisa Veracion

Ikalawang Taon

  • Camia

Tagapayo: Sheryl Salvador

  • Adelfa

Tagapayo: Jenahlyn Villegas

Ikatlong Taon

  • Cesium

Tagapayo: Maria Gracia Cullado

  • Lithium

Tagapayo: Annellene Madrid

Ikaapat na Taon

  • Graviton

Tagapayo: Michelle Ducusin

  • Photon

Tagapayo: Pablo Viloria

Mga Organisasyon sa Paaralang Ito

baguhin
  • SMCT (Science, Math, Computer & Technology) Club
  • Student Alliance
  • Philippine Red Cross Youth
  • Digi-Tech (bagong tatag)
  • Guidance Club o G-Club (bagong tatag)
  • Sports Club (bagong tatag)
  • Junior Librarians' Club (bagong tatag)

Karagdagang impormasyon

baguhin
  • Ang opisyal na diyaryong pampaaralan ng MPPA-KRI ay ang "Northern Scholar".

Mga sanggunian

baguhin
  • Northern Scholar, Hunyo 2004 Edition
  • Northern Scholar, June-Disyembre 2007 Edition
  • Northern Scholar, January-Marso 2008 Edition
  • Office of the CISD Chief
  • Office of the Registrar

Mga kawing panlabas

baguhin