Pagsusuring matematikal
Ang pagsusuring matematikal, pagsusuring pangmatematika, pagsusuring matematiko, pagsusuring makamatematika, matematikong paglilitis, o matematikal na analisis (Ingles: mathematical analysis), na payak na tinatawag ng mga matematiko bilang "analisis" lamang, ay ang sangay ng matematikang dalisay o purong matematika na kinasasamahan ng mga teoriya ng deribatibo o diperensiyasyon, integral o integrasyon at sukat, mga hangganan, mga seryeng walang-hangganan,[1] at mga tungkuling analitiko. Ang mga teoriyang ito ay kadalasang pinag-aaralan sa konteksto o diwa ng mga tunay na bilang, masasalimuot na mga bilang, at tunay at masasalimuot na mga tungkulin. Subalit, maaari rin silang ilarawan o pakahuluganan at pag-aralan sa anumang puwang ng mga matematikong bagay na may kahulugang pagkakalapit o pagiging malapit (isang puwang na topolohikal) o, mas tiyak, bilang layo o distansiya (isang puwang na metriko). Nagsimula ang pagsusuring matematikal sa mahigpit na pormulasyon ng inpinitesimal na kalkulus.
Mga sanggunian
baguhin- ↑ Edwin Hewitt at Karl Stromberg, "Real and Abstract Analysis", Springer-Verlag, 1965
Ang lathalaing ito na tungkol sa Matematika ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.