Matinding karamdaman

Ang matinding karamdaman (Ingles: acute illness, acute disease, at acute sickness) ay mga karamdamang mabilis ang simula o pagdating na tumatakbo lamang sa loob ng maikling kurso o panahon at may markado o kapuna-punang mga tanda o sintomas. Sanhi ng mga mikrobyo ang karamihan o halos lahat sa mga ito. Kaugnay ito ng mga salitang pinagkakaiba na "medyo matindi" (subacute sa Ingles) at "kroniko" (chronic sa Ingles).[1]

Tumutukoy ang kaisipang pangngalang masa ng "matinding karamdaman" sa akyut na yugto, alalaong baga, isang maikling kurso, ng anumang entidad ng sakit.[2][3] Halimbawa, sa isang artikulo ng saulcerative enteritis sa manukan, sinabi ng may-akda na "sa matinding sakit, maaring mayroong nadagdagang mortalidad na walang kahit anumang halatang senyas",[4] na tumutukoy sa akyut na anyo o yugto ng ulcerative enteritis.

Paggamit ng mga salita

baguhin

Isang halimbawa ng paggamit ng mga pandiwang matindi, medyo matindi, at kroniko ang ganitong paglalarawan: maaaring matindi (acute) ang rayumatismo (katulad ng rayumatikong lagnat). Ngunit kung hindi gaanong hayagan at mas matagalan ang lagnat at iba pang mga sintomas, tinatawag itong "medyo matindi" (subacute) lamang. Sa kronikong anyo (chronic) ng rayuma, mayroong pananakit at paninigas ng mga kasu-kasuan na tumatagal ng mga buwan o mga taon.[1]

Tingnan din

baguhin

Mga sanggunian

baguhin
  1. 1.0 1.1 Robinson, Victor, pat. (1939). "Acute, subacute, at chronic". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York).{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 16. (sa Ingles)
  2. Robert F. Schmidt; William D. Willis, mga pat. (2007). Encyclopedia of pain (sa wikang Ingles). Berlin: Springer. p. Acute Pain, Subacute Pain and Chronic Pain (Chapter.). ISBN 978-3-540-29805-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Kenneth N. Anderson, pat. (1998). Mosby's medical dictionary : illustrated in full colour throughout (sa wikang Ingles) (ika-5 (binago) (na) edisyon). St. Louis: Mosby. ISBN 0815146310.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. Pattison, Mark (2008), Poultry Diseases (sa wikang Ingles) (ika-6th (na) edisyon), Saunders/Elsevier, p. 207, ISBN 9780702028625.{{citation}}: CS1 maint: date auto-translated (link)