Mattachine Society

Ang Mattachine Society, naitatag noong 1950, ay isa sa mga kauna-unahang organisasyong homoseksuwal sa Estados Unidos, na maaaring ikalawa lamang sa Society for Human Rights (1924). Binuo ang organisasyon ni Harry Hay at ng isang pangkat ng magkakaibigang lalaki upang ipagtanggol at pagbutihin ang mga karapatan ng mga homoseksuwal. Dahil sa mga pag-aalala sa kalihiman at sa ideolohiyang makakaliwa ng nagtatag, ginamit nila ang uri ng organisasyong ginamit ng Partido Komunista ng Estados Unidos. Sa panahong maraming laban sa komunismo noong dekada 50, ang lumalaking bilang ng mga kasapi ng organisasyon ay pinalitan ang naunang napiling modelo ng organisasyon sa istilong mas tradisyunal na pamumunong nagpapabuti sa karapatang sibil at pati ang agenda nito. At sa dumadaming sangay na nabuo sa ibang mga lungsod, nahati ang organisasyon sa iba't ibang pangkat rehiyunal noong 1961.

Mattachine Society
Pagkakabuo1950
LayuninCivil and political rights for homosexual men
Punong tanggapanLos Angeles, California
Wikang opisyal
Ingles
Mahahalagang tao
Harry Hay